Chapter 30: The Masquerade 4 (The Truth) (Devie's POV) "Papayag ka naman di ba? Sasama ka naman sa akin di ba?" "No. . " agad na banggit ko. Nagulat siya sa sinagot ko. "W-what I mean, sabihin mo muna sa akin ang buong pangalan mo at ano ang kinalaman mo sa event na ito . ." Bigla ko na lang kasing naalala yung narinig kong usapan ni Dad at Demion noon na maaaring magkaroon ng arrange marriage sa pagitan ko at sa anak ng kaibigan ni Dad na may-ari ng Hotel na ito. Huminga siya ng malalim bago ulit nagsalita, "Lawrence . . Lawrence Aedam Algrande ang tunay na pangalan ko. Y-yung Chase-shin Park kasi, napulot ko lang yung pangalan na yun sa lapida. Nag-iba ako ng pangalan kasi gusto ko sanang makatakas kay Daddy eh, pero nahuli pa rin niya ako. Pero gusto ko pa ring Chase ang itawag mo

