Chapter 27: The Masquerade 1 (Mommy's here) (Whisper's POV) "Magandang umaga po Mr. Demion Angelou!" masiglang bati ko sa kuya ni Devie Unnie. Nandito nga pala kami ni Wings Unnie sa Mansion ng Pamilyang Ferrio. Dala-dala namin ang napakagandang Dress na susuotin ni Devie Unnie mamaya. Naki-usap kasi si Mr. Demion sa amin na kung pwede ba daw kami ang mag-aayos kay Unnie kasi ayaw niya po kasing sumama eh kaya pipilitin po namin siya. "Magandang araw din sa inyo. Maraming salamat sa inyong dalawa dahil pumayag kayo sa paki-usap ko. Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko sa kanya, ilang araw na siyang nagkukulong sa kwrto niya. Ayaw niya kaming kausapin at sa tingin ko makakatulong kayo para makausap siya since mga babae naman kayo na kaibigan niya." "Hindi naman kami ganun ka-clos

