This Chapter will give you a little bit idea about the mysterious life of Mr.Yuso. Mysterious Chapter "Ahh—ahh—ahh—" Kasalukuyan ngayong tumatakbo ang isang lalake sa gitna ng kagubatan kung saan niya tinangkang pasukin ang pribadong teritoryo ni Mr.Yuso. Hindi niya na alintana ang mga puno na kanyang nababangga. Ang mas mahalaga ngayon ay ang makalabas siya sa kagubatang ito at matakasan ang isang misteryusong lalaki na humahabol sa kanya. *TCHING! "Aaahh!" Biglaan na lamang may dumaplis na punyal sa kanyang kaliwang paa dahilan para madapa siya sa d**o. Sinubukan niyang tumayo ngunit lubhang napuruhan ang kanyang paa. Ilang saglit lang ay laking gulat niya ng may nakatayo na sa harap niya. Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo niya upang makita kung sino ang taong ito. "M-Mr.Yuso.

