Chapter 25.1 : Mr.Yuso is back (Aiana's POV) "Lawrence!" hindi na ako nag-abalang kumatok pa sa pinto ng silid niya. Pagkapasok ko ay nadatnan ko siyang may kausap sa Phone habang nakatayo. Nasa Veranda siya at mukhang seryuso siyang nakikipag-usap. Nung tumawag kasi si Hany Demion na nawawala daw si Angela ay di na ako nagdalawang-isip pa na tumakbo dito para ipaalam sa kanya ang nangyari. Naghintay muna ako saglit hanggang matapos siya. Hindi na ako mapakali, nag-aalala na ako ng sobra kay Angela. Habang pinagmamasdan ko siya ay napansin ko ang hawak niyang Glass of wine, mahigpit ang pagkakahawak nya rito na para bang mababasag na ito. Isa lang ang ibig sabihin niyan, nangagalaiti na siya sa galit. Ilang minuto lang ay ibinaba niya na ang Phone at pumasok na dito sa loob. Tinignan

