TNM Chapter 2*

1668 คำ
Nakatayo lang ako ng tuwid habang nakatingin sa mestisahing ginang na sa tantiya ko ay nasa kaniyang late 50's, ngunit higit paring batang tingnan sa kaniyang edad. Mababakas pa rin ang kagandahan sa makinis nitong mukha, may mangilan-ngilang wrinkles ngunit hindi pa masyadong halata. Alaga ang kutis nito ng kung sino mang doktor na may kinalaman sa pagpapaganda. Kahit may edad na ay balingkinitan pa rin ang pangangatawan nito. Siya si Senyora Felicia Delgado Lorenzo, ang ina ng tahanan, isa sa mga pagsisilbihan ko sa malaking bahay na ito. "Maria Cielo Gonzales." Binasa ni Senyora Felicia ang pangalan ko na nakasulat sa dala kong resume na inabot ko sa kaniya kanina nang dumating ako. Tiningala niya ako nang wala siyang narinig na sagot mula sa akin. Pinasadahan ako nito ng may panghuhusgang tingin mula ulo hanggang paa. Hindi naman ako nabahala sa mga tingin na iyon ng ginang sa akin. "Opo, ako po si Maria Cielo— Cielo na lang po ang itawag niyo sa akin, Senyora," walang gatol na sabi ko. Tumango ang ginang. "Okay, Cielo," anito. "So, you're Henry's eldest daughter?" "Opo," mabilis na sagot ko. He used to be the marketing director of our company for many years, until he decided to leave and start his own business. So, how is your father now? "Hindi po okay, Senyora. Nalulong po sa sugal si Papa kaya narito ako ngayon para bayaran ang mga pagkakautang niya sa inyo." Hindi ko na ipinagtataka ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Senyora Felicia nang mabanggit ko ang ginawa ni Papa, bahagya kasing umangat ang kilay nito at nangunot ang noo. Nagulat nalang ako dahil mula sa pagkakaupo ay bigla itong tumayo. "Okay, it's not the first time someone from your family has worked for us. You can go now. Look for Sylvia—she's the head maid. She'll tell you what to do," may pagmamadali sa tono ng boses na sabi nito na para bang gustong-gusto na akong paalisin. "Opo. Sige po Senyora, lalabas na po ako." Tinalikuran ko ang ginang at mabilis na naglakad para tunguhin ang pinto. Nakahawak na ako sa doorknob, pipihitin ko na sana para bumukas, kaya lang ay natigilan ako nang marinig ko ang boses ng ginang. "One more important thing, Cielo." Pumihit ako paharap sa ginang. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin. "Po? Ano po 'yon?" inosenteng tanong ko Pinakatitigan muna ako nito ng husto bago nagsalita. "Stay away from my son. It’s not your responsibility to serve them, so don’t go near them. Do you understand?" Hindi agad ako nakasagot sa sinabing iyon ni Senyora Felicia. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ipinagbabawal niya na lumapit ako sa mga anak niya? "Naintindihan mo ba ang sinabi ko, Cielo? Kailangan ko pa bang ulitin?" Mukhang hindi nagustuhan ng ginang ang hindi ko pag-imik, nanlaki ang mga mata nito, kaya lalo akong hindi nakasagot hindi dahil sa takot dahil wala naman ako nun. Hindi ako nakasagot dahil sa pagkalito. "Okay, fine," walang ganang sabi nito sabay buntong hininga ng malalim. "Lumayo ka sa mga anak ko. Hindi ka naka-assign para mag silbi sa kanila kaya huwag na huwag kang lalapit sa kanila. Naiintidihan mo na ba?" Mabilis akong tumango. "Opo, Senyora, naiintindihan ko po!" mabilis na sagot ko. Tiningnan ako nito ng may blangkong ekspresyon. "You may go now." Pagtataboy niya sa akin habang iwinawasiwas ang mga kamay, sumisenyas na umalis na ako. Nagmamadali na akong lumabas sa silid na 'yon at bumaba ng hagdan. Sa paanan niyon ay naghihintay sa akin ang katulong na si Lea, siya ang sumalubong sa akin kanina sa may gate at nagpapasok sa akin sa loob ng bahay. "Ano, nakausap mo ba si Senyora?" agad nitong tanong sa akin. "Oo," sagot ko. "Mukhang galit nga, pinalabas ako agad." "Tsh! Huwag mo nang isipin 'yon. Basta gawin mo lang kung ano ang trabaho mo. Hindi ka naman nila pagagalitan kung susunod ka sa mga inuutos nila," anito. "Tama ka," sang-ayon ko. "Dalhin mo ko kay Sylvia, yung mayordoma. Sabi ni Senyora, siya raw ang magsasabi sa akin kung ano ang gagawin ko." "Sshhh! Huwag mong tatawagin sa pangalan lang ang mayordoma natin. Madam— Madam Sylvia ang itawag mo sa kaniya. Magagalit 'yon kapag hindi mo siya tinawag na madam." "Huh! Ganu'n ba?" Tumango si Lea. "O sige, dalhin mo na nga ako sa kaniya, para malaman ko na kung ano ang gagawin ko," sabi ko. Ganito pala kapag nangangamuhan ang dami mong dapat na pakisamahan. "Andun siya sa garden, halika!" Hinatak ni Lea ang kamay ko at halos kaladkarin ako sa pagmamadali. Sa lawak ng bahay ng mga Lorenzo ay hindi ko na alam kung saan kami naglululusot ni Dora, may binuksan siyang pinto at paglabas namin ay nasa garden na kami. Namangha ko sa ganda ng hardin na bumungad sa akin, ngunit hindi makikita ang pagkamangha sa blangko kong ekspresyon. Sa tingin ko ay pinaglalaanan talaga ng husto ang garden. Ang sahig ay vermuda grass, ang mga halaman ay naka landscape. Ang gandang pagmasdan ang makulay na paligid, nangingibabaw ang kulay na berde. Ang mga halaman ay namumulaklak. Halatang alagang-alaga ang mga ito. Hindi ako pamilyar sa mga halaman na naroon, ang tanging kilala ko lang sa mga nakita ko ay ang mga rosas. May pula, puti, dilaw at pink na roses. Lalapit sana ako para amuyin ang mga bulaklak, kaya lang ay pinigilan ko ang sarili ko dahil may mga matang nakatingin sa akin ng masama. "Sino 'yang kasama mo, Lea?" masungit na tanong ng babaeng masama kung makatingin. Sigurado akong siya ang mayordoma na si Sylvia. Katulad ni Senyora Felicia ay pinasadahan din ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakataas pa ang mga kilay nito na para bang hindi nagugustuhan ang kaniyang nakikita. Hindi pa nakuntento, hinubad ang makapal na salamin at saka muli akong pinasadahan ng tingin. Tsk! Ano ba 'tong mga tao rito? Katulong ang pinapasok ko pero kung suriin nila ako ay akala mo nag-a-apply ako para maging model. "Madam... si Cielo po, ang bago nating kasambahay. Siya ang papalit kay Iska," pagpapakilala ni Lea sa akin. "Hmmm... Marunong ka ba sa mga gawaing bahay?" may pagdududa sa tanong nito. "Opo, marunong po, maasahan niyo po ako pagdating sa paglilinis," mabilis na sagot ko. Umismid si Madam Sylvia, parang hindi kumbinsido sa sinabi ko. "Ano nga uli ang pangalan mo?" Binalingan ako ng tingin ng mayordoma. Napatuwid ako ng tayo. "Cielo po," sagot ko. "Malinis ka ba sa bahay, Cielo? Ang trabaho ni Iska rito ay paglilinis ng buong bahay. Iyan ang ginagawa niya sa araw-araw. Kaya mo bang gawin? Ayaw na ayaw ni Senyora Felicia na nakakakita ng kahit na konting dumi at nakakahawak ng alikabok. Dapat maging partikular ka sa mga bagay na 'yan. Kapag naglilinis kailangan ay pulido." "O-opo, kaya ko po." Hindi ko sigurado kung kakayanin ko nga dahil sa bahay namin ay hindi ako gumagawa ng mga gawaing bahay, kaya lang ay nagpanggap na lang akong alam ang mga sinasabi ko para hindi ako matanggal sa trabaho. "Sigurado kang kaya mo ha? Iba ang paglilinis dito kaysa sa paglilinis sa bahay ninyo kaya huwag mong ikumpara." "Alam ko naman po, Madam Sylvia," sagot ko. Tinaasan ako nito ng kilay ngunit hindi ako natinag, tiningnan ko lang siya ng walang emosyon. Tsk! May mali ba kasi sa sinabi ko? "Sige, bukas ka na magsimula sa trabaho. Mukhang malayo ang binyahe mo, napaka-haggard mong tingnan." "Lea, samahan mo siya sa servant's quarter, ituro mo sa kaniya kung saan siya matutulog, kumuha ka na rin ng bagong uniporme sa bodega. Tatlong pares na kakasya sa kaniya." "Sige po, Madam Sylvia," tugon ni Salve. "Cielo, kailangan bukas nakasuot ka na ng uniform. Gusto ko maayos at presentable ang itsura mo bukas. Bawal ang dugyot sa pamamahay na ito, magagalit si Senyora Felicia. Naiintindihan mo ba?" Ako naman ang binalingan nito. "O-opo, Madam Sylvia," mabilis na sagot ko. Isang mapanuring tingin na naman ang ipinukol nito sa akin. "Sige, umalis na kayo sa harapan ko." Hinawakan ni Lea ang braso ko, nagpaalam muna kami kay Madam Sylvia bago tuluyang umalis. Sa likod bahay ako dinala ni Lea. Naroon daw ang servant's quarter. Agad ko namang natanaw ang puting bongalow na bahay na nakahiwalay sa mansiyon. "Iyan ang servants quarter. Lahat ng kasambahay sa mansiyon ay dyan nakatira." Itinuro ni Lea ang puting bahay. "Halika." Hinatak ako nito papasok sa loob niyon. Hindi ko inaasahan na bahay nga ang makikita ko sa loob. May sala at kusina kasi, mayroon ding tatlong kuwarto. "Sa gitna ang kuwarto mo, magkasama tayo sa kuwarto. Bukod sa atin ay may kasama pa tayong apat. Yung kabilang silid, anim din sila don. Yung unang pinto naman ay kay Madam Sylvia, solo lang siya sa kwarto na 'yon." Lumapit kami sa gitnang pinto at binuksan iyon ni Salve. Tumambad sa akin ang may kalakihang silid na may tatlong double deck. Kaya naman pala anim ang kasya dahil double deck ang mga higaan. Malinis iyon, pinturado, naka tiles ang sahig at naka aircon pa. "Yung bag mo inilagay ko na sa itaas. Ako din diyan sa kabila nakapwesto. Sa itaas tayo kasi may mga edad na ang mga kasama natin, hindi na nila kakayanin ang umakyat." "Okay lang, mas gusto ko nga sa itaas," sabi ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil maayos naman pala kahit na paano ang magiging tulugan ko ngayon. Malambot ang higaan at may kutson. Ang kagandahan pa ay solo ko ang higaan, wala akong kahati at wala akong katabi. "Sige, iiwan muna kita rito. Ayusin mo na ang mga gamit mo. May kani-kaniya tayong kabinet dyan, yung hindi nakasusi iyon ang sa'yo, lagyan mo na lang ng padlock, pahihiramin kita mamaya. Babalik muna ako sa trabaho. Ikaw na ang bahala rito." "Sige Salve—salamat!" Tumango lang ito at lumabas na ng silid. Nang maiwan akong mag-isa ay kinabisado ko muna ng tingin ang kabuuan ng silid. Na-excite ako kaya nagmamadali akong umakyat sa double deck para namnamin ang malambot kong higaan.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม