A hundred years Ago
Nakangiti si Griselda habang pinapanood nito ang matalik na kaibigan na si Darcy sumasayaw sa harapan niya may kagat na isang piraso na pulang Rosas.
Lumuhod ang binata sa harapan ng dalaga inabot sa dalaga ang pulang Rosas tinanggap ng dalaga ang rosas bahagya itong yumukod sa binata
" Ginoo tinatanggap ko ang iyong matamis na pag-ibig."Natatawa na wika ng Dalaga
" Hahaha. Gago hindi bagay sayo." Natatawa na tugon ni Darcy
Pabagsak na nahiga sa damohan ang magkaibigan nagtawanan silang dalawa.
" Darcy! Pangako mo saakin kahit Anong mangyayari protiktahan mo ako, Pangako mo saakin habang buhay tayo magiging magkaibigan." Seryoso na wika ng Dalaga
" Pangako! Kahit na sa kabilang buhay protiktahan kita. Kahit umabot ng ilang daang taon. Mananatili akong kaibigan mo panghabang panahon. " Tugon ni Darcy
Biglang Napaupo ang magkaibigan naramdaman nila ang paparating na mga wizard
" Bakit ayaw ka niya tigilan. Hindi mo naman siya soulmate. " Pagalit na wika ni Darcy
Bumulong sa hangin ang dalaga bilang protiksyon sa kanyang kaibigan. Isang Lobo si Darcy lumaki silang magkasama para nang magkapatid ang turin nila sa bawat isa.
" Griselda! Naririto ako para hingin ang kamay mo. " Nakangiti na wika ni Alaric isang wizard.
Witch ang tawag pagbabae wizard naman paglalaki, Madalas saatin pagsinabing witch masama na agad ang tingin natin sumasamba sa Demon. Pero pareho lang naman ang Wizard at witch ang pagkakaiba lang ang kasarian. Depende sa puso ng nilalang ang kanilang ugali. May likas na masama may likas na Mabuti. Mapatao man o kahit anong nilalang may kasamaan padin taglay depende kung ano ang pinagdadaanan mo. Kung lumaki ka sa kasamaan mababalot ng galit at poot ang iyong pagkatao.
Kahit witch ako natural sa pagkatao ko ang kabutihan ng loob. Masayahin ako at pilya tulad ng pangkaraniwan tao.
" Kamay? Bakit mo hinihingi ang kamay ko? Nasisiraan kanaba ng pag-iisip? Pagbinigay ko sayo ang kamay ko paano na ako kakain? Maghugas ng pwet sa tuwing nagdudumi? Aba Alaric Lumayas ka sa harapan ko." Namumula sa galit na bulyaw ko
Napanganga ang binata sa naging sagot ko. Alam ko naman na Ang gusto niyang ipabatid. Inaalok niya ako ng pag-iisang dib-dib Pero hindi ko siya iniibig. May lalaki na paulit-ulit na Dumadalaw sa aking panaginip. Malabo ang kanyang mukha pero sa aking panaginip nagtatalik kami sa gitna ng kakahuyan.
" Hahaha! Hindi ka pa pwede mag-asawa Bobo kapa saka ka nalang umibig pag matalino kana. " Natatawa na wika ni Darcy
Tumingin ako kay Darcy kunway bakas ang pagtataka sa aking pagmumukha
" Asawa? Wala akong kasintahan! dalawampu't apat palang ako malapit na sumapit ang kaarawan ko. Sa aking kaarawan makikilala ko ang lalaking iibigin ko." Inosente na Paliwanag ko
" Ikakasal ka saakin sa ayaw at gusto mo. " Sabat ni Alaric namumula na ang kanyang mukha sa galit
Humarap ako sa binata ngumisi ako ng nakakaloko
" Hindi kita gusto! Unang-una Pandak ka, dilaw ang Ngipin, Madumi ang koko, Mabaho ihinga, Gusto ko sa lalaking Matangkad, Malapad ang pangangatawan, Matigas Ang dibdib, Ang kayang-kaya ako buhatin, Bukod sa Pandak ka, Payat kapa, Makaalok ka saakin ng kasal hindi ka nga nanligaw. Aba kahit na ligaw na lobo aayawan ka. Kahit sana Pandak ka kung mabango at Maalaga ka sa iyong katawan maraming magkagusto sayo. Bago ka mag-asawa pakiusap alagaan mo muna ang sarili mo. " mataray na tugon ko
Inalalayan ako ni Darcy patayo nakangisi pa ang gago habang nakatitig kay Alaric
Mayabang si Alaric dahil sa malakas ang kanyang kapangyarihan, Kaya marami ang natatakot sakanya. Totoo naman lahat ng sinabi ko madungis ang binata takot sa tubig hindi ko alam kung bakit hindi siya naliligo. Ayon sa haka-haka may kinalaman sa tubig ang kanyang kahinaan. Naintindihan ko naman dahil ang pinakamalakas na kapangyarihan niya ay Apoy.
Napasipol si Darcy biglang kasi magkaroon ng apoy sa magkabilang kamay si Alaric nakapamulsa na naglakad papunta sa likuran ko si Darcy bumulong ito
" Mukhang malakas talaga tama ng isang yan sayo. Limang taon na yan nag-aalok ng kasal. " Pabulong na wika ni Darcy
" Kung hindi ka mapapasaakin isinusumpa kita pagsapit ng iyong kaarawan babawain ka ng buhay maglalaho ang iyong kaluluwa at hindi na muling mamumuhay. " Malakas na sigaw ni Alaric
Gamit ang apoy sa kanyang kamay gumuhit siya ng simbolo sa lupa nasa gitna kami ni Darcy ng ginawa niyang simbolo
Agad ako pumikit nagbitaw ng mga kataga namatay ang apoy sa paligid namin napalitan ito ng tubig nagbitaw ako ng sariling sumpa
" Sa aking ika-dalawampu't limang kaarawan babawian ako ng buhay at paulit-ulit na isisilang sa iba't ibang katauhan ngunit Mananatili ang aking alaala at kapangyarihan. Paulit-ulit ako babawian ng buhay at paulit-ulit na isisilang hanggang sa matagpuan ko ang aking tunay at wagas na Pag-ibig. Mananatili ka sa aking tabi Darcy tulad ko paulit-ulit ka din babawian ng buhay hanggat sa matagpuan ko ang aking tunay at wagas na Pag-ibig. " Malakas na Sambit ko
Dumilim ang kalangitan kumulog at dumidlat bumuhos ang malakas na ulan
" Ikaw Alaric lahat ng Angkan mo at kadugo mo babawian ng buhay sa gabing ito at maglalaho ang iyong kaluluwa at tuloyan nang mawawala. Tuloyan maglalaho na parang bula ang inyong lahi. Sa pamamagitan ng aking sarili dugo matutupad ang lahat ng aking binitawang salita. " Walang Emosyon na Wika ko
Kinagat ni Darcy ang pulso ko dumaloy pulso ko ang aking duho umagos ito kasabay ng malakas na buhos ng ulan.
Nagsisigaw si Alaric sinubukan niya labanan ang aking binitawang sumpa sinubukan niya patigilin ang malakas na buhos ng ulan ngunit Hindi niya magawa
Napatingin ako sa paparating na mga tao iba't ibang lahi sila may Wizard, Witch, Lobo, at Bampira Naglalakad sila palapit saakin
Sa tuwing galit ako bumubuhos ang malakas na ulan sa tuwing malungkot ako umuulan pero mahina lang. ngunit ang malakas na ulan ngayon na may kasamang kulot at kidlat nagpapahiwatig ng aking labis na galit at poot
" Griselda! bunso, Tama na! kumalma ka." Sigaw ng Nag-iisang Kapatid ko na lalaki
Patakbo na lumapit saakin hindi alintana ang kidlat na tumatama paikot sa kinaroroonan ko
" Huhu kuya, Mamatay na ako. Huhu dalawampu palang ako. Hindi pa nga ako nakakatikim ng halik mamatay na ako. WAAAAAAH! Bakit." Umiiyak na sumbong ni Darcy
Unti-unting akong kumalma bigla ako niyakap ng Kapatid ko.
Nagtataka na napatingin kay Darcy nakaupo siya sa damohan umiiyak na parang bata
" Kuya! Ikaw ba ang may gawa ng Bagyo? Sabihin mo basted ka na naman ba?" Nagtataka na tanong ko sa aking Kapatid
" WAAAAAAH! Patay na! Wala pang naaalala ang baliw na yan! Huhu isumpa niya ang kanyang sarili kasama ako sa kanyang sumpa. Bakit? Lobo ako matagal naman buhay namin mga lobo umaabot ng ilang daang taon. Bakit kailangan pa kasama ako sa sumpa?". Parang bata na bulalas ni Darcy
" Alaric sinumpa mo si Darcy?" Tanong ko sa binata
" WAAAAAAH Kuya dugo? May dugo sa pulso ko " Takot na sigaw ko
Bigla nalang nandilim ang paningin ko tuloyan ako nawalan ng malay
Nagising ako sa galit na sigaw ni Darcy
" Mabuti naman nagising kana! Bakit Kasama ako sa sumpa mo? Akala ko ba magkaibigan tayo? Bakit? Okay lang sana paulit-ulit ako babawian ng buhay hanggang sa matagpuan ko ang soulmate ko pero Hindi e, Sabi mo paulit-ulit ako babawian ng buhay at paulit-ulit na isisilang hanggang sa matagpuan mo ang iyong wagas na Pag-ibig. Ibig sabihin hanggang hindi mo natatagpuan ang soulmate mo paulit-ulit din ako mamatay. Griselda naman. " Galit na wika ni Darcy
" Anong pinagsasabi mo? Wala akong Maalala ang alam ko lang pumikit ako at nagbitaw ng sumpa para maligtas ang buhay natin. Hindi ko maalala ang ibang sinabi ko.." Paliwanag ko.
" Maligo ka muna maghahanda ako ng Almusal mo. " Utos ni Kuya
Sinunod ko ang utos ni Kuya pagkatapos ko maligo paglabas ko ng aking silid nagtataka ako sa dami ng tao sa loob at labas ng bahay.
" Tandaan mo Griselda! Kahit Ilang daang taon kapa pumanaw at isilang paulit-ulit kitang hahanapin at kikitilan ng buhay." Wika ng nakatalokbong na nilalang.
Akmang hahawakan sana siya ng isang lalaki sa braso subalit tumagos lang ang kamay nito para bang usok lang ito sa harapan namin
" A Witch spirit." Bulalas ni Kuya
" Tika! Sino ba yon? Ano ang kasalanan ko sa nilalang na yon?" Nagtataka na tanong ko
" Wala na kami magagawa nakapag bitaw kana ng sumpa. Ang magagawa lang namin ang panatilihin ang kwento ng buhay mo sa ganon paraan manatiling buhay ang alaala mo sa susunod na henerasyon natin. " Wika ng may Edad na lalaki
" Pangako Mananatili ako sa ganitong wangis. Makikibagay ako sa panahon at Mananatiling buhay. Sa tuwing isisilang ka hanapin mo ako. Kahit ano pa ang maging wangis mo kasarian mo. Mananatili kang kapatid ko. " Nakangiti na wika ni Kuya
" Nasisiraan ba kayo ng pag-iisip? Anong akala nyo saakin Siraulo para isumpa ang aking sarili. Hahaha kung gagawin ko yon isasama ko si Darcy para dalawa kami Hindi ako mag-iisa." Natatawa na wika ko
Natigilan ako sa pagtawa napatingin ako kay Darcy muling umiyak si Darcy napangiti ako ng alanganin
" K-kuya! Sabihin mo? Sinumpa ko ba ang sarili ko? Anong sumpa? " Sunod-sunod na tanong ko sa Kapatid ko
" Tangna ka! Mamatay tayo ilang minuto nalang sasapit na ang iyong kaarawan. " Galit na sigaw ni Darcy
" Oy bukas pa kaarawan ko! At isa pa mauuna sumapit ang gabi bago ang kaarawan ko." Pangangatwiran ko
" Isang linggo kang tulog! Saan lugar kaba galing? Kilan naman nagkaroon ng gabi dito sa ating Lugar. Sana lugar tayo na walang araw at wala din Gabi. Nasisiraan kaba ng ulo?" galit na naman paliwanag ni Darcy
" Tika! Oo nga Wala ngang araw at walang gabi dito. Sana isalang ako sa panahon na may araw at gabi kasama ang nga normal na tao. '" Piping sambit ko
Nilapitan ko si Kuya niyakap ko siya
" Kuya! Ang katawan ko inangatan mo. Maglagay ka ng malakas na kapangyarihan para manatiling buhay ang katawan lupa ko. Pag nahanap ko na ang aking wagas na Pag-ibig babalik ako dito. Mamumuhay tayo ng masaya." Nakangiti na wika ko
" Tandaan mo ang pangalan ko dahil ang pangalan ko ang magiging susi ng Lugar kung saan ka unang sinilang at binawian ng buhay." Nakangiti na wika ni Kuya
Binuhat ako ni Kuya palabas ng bahay inilapag niya ako sa malapad na bato na may nakaukit na simbolo. katabi ko si Darcy
" Mananatili si Darcy sa tabi mo. Gagawa kami ng Ritual sainyong dalawa bago sumapit ang iyong kaarawan ihihiwalay na namin ang inyong kaluluwa sa inyong katawan sa ganon paraan Mananatiling buhay ang katawan nyo. Mananatili itong tulog at Mananatili kami sa lugar na to. Hindi kami tatanda Hindi rin mamatay. Maghihintay kami sa pagbabalik mo Griselda." Nakangiti na Paliwanag ni Kuya
Hindi ako makasagot ginala ko ang aking paningin sa paligid. Maliit lang ang tribo na kinabibilangan namin magkakasama dito ang Lobo, Witch, Wizard, Bampira Maninirahan kami dito ng tahimik Hindi kami sakop ng Kaharian ng tatlong Angkan ng mga Lobo, Bampira at Witch. Ang Wizard ay nabibilang sa angkan ng witch.
" Pero bakit nyo gagawin yon?" Hindi makapaniwala na tanong ko
" Ito lang ang kaya namin gawin. Tinanggap nyo kami kahit na ibang lahi kami. " Tugon ng matandang Bampira
Ngumiti lang ako Sa mga naging paliwanag nila. Kami ni Kuya ang nag mamay-ari ng lupain na to sa pagnanais na humiwalay sa digmaan ng tatlong Angkan. Nagtago kami sa ibang demensyon. Kung saan walang araw at walang gabi. Nanatili maliwanag ang lugar na to at ang pahanon nakasalalay sa Emosyon ko. Pagmasaya ako sumisikat ang araw. pagmalongkot ako umuulan.
" Alalahanin mo ang pangalan ko Princess Gresilda. Tandaan mo ikaw ang nag-iisang prinsesa ng Witcher Kingdom. Ang Kaharian na kinakatakutan ng lahat ng nilalang." Walang Emosyon wika ni Kuya