Kabanata 55 I took the papers I need to photocopy. Binabati ako ng mga schoolmates na nakakasalubong habang papunta sa Math Club. I’m an officer of the club, pwede akong gumamit ng printer at xerox machine doon. “Hi, ate Tanya! Ang ganda niyo po!” a junior high greeted me. I smiled at them, she’s with her friends. Natulakan pa sila at parang kinikilig. “Thank you, ikaw rin!” Nang matapos ang bakasyon namin ay balik ulit sa usual routine ng klase. Sina Zairo at Vren lang ang nasa training pa rin pagbalik dahil qualifier para sa Nationals. Hindi sila ganoon ka-busy dahil next month pa, sa February, ang date ng competition. Kami ngayon ang abala sa klase dahil may group research na tinatapos at kailangan i-defend. Malapit na rin ang graduation kaya mas naging masikip ang schedule. I’m

