Kabanata 71 Sabay-sabay na nalaglag ang mga panga nila Merisse habang nakatingala at nakatitig kay Zairo. Tila ba nakakita ang mga ito ng multo dahil sa biglang pagsulpot ni Zairo sa likod ko. My brows furrowed and my forehead knitted. What the hell is this? Napalunok ako at bahagyang nakaramdam ng kaba. Maging si Israel sa tabi ko ay napalingon sa kaniya kasabay ng pagtanggal nito sa kamay niya sa balikat ko. Inubos ko ang kaunting laman ng wine glass bago tuluyang nilingon ang direksyon niya. Agad akong sinalubong ng pailalim at mariing titig ni Zairo. “Of course, Mr. Constavo!” si Rika na tanging nakapagsalita sa mga kasama namin sa table. “By the way, congratulations to your event...” Tumayo siya at nakipagkamay kay Zairo. Sandali siyang nilingon ni Zairo bago ulit itinuon sa

