Kabanata 48 “Hoy, sabay-sabay na tayo!” Sabay kaming napalingon sa tumatakbong sina Kaz patungo sa direksyon namin. Kumakaway sila at mukhang excited pa. “Mamimili rin kayo ng baon, bakla?” nakangiting tanong ni Aldrin. “Oo, sige tara. Ayos lang ba?” nilingon ko si Zairo na agad namang tumango sa akin. “Of course, Thana.” “Weh, sinasabi mo lang ‘yan kasi kaibigan kami ni Tanya...” pang-aasar na singit ni Kaz. “Kahit naman hindi siya payag, walang choice ang papi,” humalakhak si Aldrin. “Dalian niyo mga bakla maghahanap ako ng chupapi.” Halos masapo ko ang noo sa kanilang mga kalokohan. Napapalingon pa ang mga estudyante sa ingay ng grupo namin. Tumango sa amin sina Alexia na pasakay na rin sa kani-kaniyang sasakyan. “Tara na, baka masita pa tayo ng mga teacher,” aya ko sa kanila

