Kabanata 57 “Thank you so much for this, Lexi,” untag ko at pinutol ang yakap ko sa kaniya. She smiled before nodding at me. Bumaba ang mga mata ko nang hawakan niya ang kamay ko. Alexia stared at me with soft eyes. Halos malaglag ang panga ko dahil ngayon ko lang iyon nakita. “Hindi mo na kailangan magbayad ng hati or what, Tanya. Just save it since mas mahirap lalo sa college.” “Pero Le-“ “Huwag nang makulit, Tanya,” ngumisi siya. “Hindi ka na rin iba sa akin...” Alexia offered me to stay in her condo unit here in Manila. Matapos ang graduation ay naging abala kami sa mga college admission at entrance examination. Nagbakasyon din kaming magkakaibigan after namin makapasa sa mga in-apply-an na universities nang makapagpahinga at chill naman. We visited the Pagudpud beach and the

