Kabanata 79 Kaliwa’t kanang linawanag ang halos bubulag sa mga mata namin ang bumungad pagbaba ng sasakyan. Tila mga bubuyog na nagbubulungan sa gilid ng aking tenga ang kumpol ng mga tao sa media. Mabuti na lang normal na eksena na lang ito sa akin dahil nakasanayan na sa trabaho. Ngunit si Aldrin ay nagtatago sa likod ko at nagpipigil ng tawa. “Bakla, baka maging photobomber pa ako sa candid shots mo kaloka hindi ka kinekeri ng beauty ko!” pasigaw niyang untag ngunit umaaktong pabulong. I chuckled and shook my head to my dear friend. Itinabi ko siya sa akin nang isara na ng personnel ang pinto ng sasakyan namin. Mas lalong kumpol na nagsilapitan sa amin ang media at kung ano-ano ang tinatanong. Sa dami nila at halos sabay-sabay pa magsalita ay hindi ko na naintindihan ang mga itin

