IPINASOK ako sa loob ng isang sasakyan. May tali ang paa at kamay. May takip ang mga mata. “Examine her well. Mamaya ay may tracking device na naka-attach sa babaeng iyan, masabutahe pa mga plano namin.” Iyon nga ang ginawa sa akin. Ang bracelet, hikaw, at maging ang kwintas ko ay tinanggal sa akin. Tiningnan nilang mabuti kung may tracking device nga ako pero mukhang wala naman silang nakita. “Sa bracelet, Ma’am,” sabi ng isang lalaki.” “Tanggalin ninyo at itapon sa malayo ang device. Give the bracelet and that damn necklace to me after.” Nakatulog ako sa byahe. Nagising lang ako nang may marinig akong mga ingay mula sa labas. Base sa mga paghampas ng tubig sa bato, ingay ng mga ibon, at kung anu-ano pa ay masasabi kong nasa tabing-dagat kami. “Ito iyong yate na ipinadala ni Ma’am.

