KAELYNN's POV Andito kami ngayon sa opisina ni Sir Daryl, actually hindi ako makatingin nang daretsyo sa kaniya pano ba naman kinakabahan ako na baka malaman n'yang apektado ako sa na rinig ko kagabi, tapos kasama pa namin ang kambal ngayon na alam na ang nararamdaman ko sa kuya nila. Ang awkward lang sa pakiramdam. "Tinawag kita dito Kaelynn kasi may nire-request 'tong dalawa sa'kin," sabi niya na nakangiti, tumungo lang ako. "Gusto nilang pag-aralin ka, payag ka ba?" Na bigla ako at napatingin sa kambal, ngumiti sa'kin si Daniel pero si Danrious umiwas lang ng tingin sa'kin. Okay para saan 'yon? "Teka pero bakit? At isa pa may trabaho ako," sabi ko sa kanila at mukhang na badtrip si Danrious sa pagtanggi ko, kung alam niya lang gustong gusto ko at masaya ako dahil gusto nila akong

