Three days later... "Bridge... " "Don't talk to me, Burn. Ayoko makipag-usap sa iyo," Bridgette said. Tatlong araw na niya itong hindi kinakausap. Sa tuwing nagigising siya ay agad niya itong iniiwan sa higaan. Pinaparamdam niya dito na masama ang loob niya dahil hindi ito naniniwala sa kaniya. "Sorry," Burn said. Naupo ito sa upuan na bakante sa table kung saan naroon siya. Nasa restaurant sa malapit sa tinutuluyan nila siya natagpuan nito ngayon. Araw-araw gano'n ang senaryo nila, hahanapin siya nito kapag hindi siya makita at kapag nakita naman ay ayaw niya kausapin.. Napatigil naman siya sa pagbabasa ng nobela at inis na napatingin sa binata. He looked restless. Apektado ng pagta-tantrums niya ng ilang araw. Good! She thought. Naisip niya na iwanan ito sa restaurant pero naalala

