Maagang gumising si Zanya kinabukasan. Wala na sa tabi niya si Brandon pero naririnig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo. Maagan na ang pakiramdam niya ngayon kumpara kahapon. Bago pa siya nakabangon ay lumabas na mula sa banyo si Brandon nang nakatapis lang ng twalya. Tumuloy ito sa walk-in cabinet saka kinalas ang twalya at inihagis sa mukha niya nang nakangiti. Inihagis naman niya pabalik ang twalya na nahulog na lang sahig. "Ang bastos mo talaga!" naiinis niyang wika. "Ganyan ka ba bumati sa umaga?" Lumapit si Brandon nang nakangisi habang iniwas naman niya ang mata dahil wala pa itong suot kahit ano. Dumapa siya bago pa man marating ni Brandon ang kama. Hindi niya kayang harapin ito nang hubo't hubad at naghuhumindig pa ang p*********i na hindi nito man lang tinakpan. "Go

