“Bilisan mo!” pasigaw na uto ni Tattered saka nagmamadaling pumunta sa bahay niya. Naglakad-takbo na rin si Rohem papunta sa harapan ng pintuan ng apartment ng una. Bigla nang bumuhos ang malakas na ulan. Sa una ay mahina pa pero hindi nagtagal ay lumakas ito kaya nagpasya si Tattered na sa apartment na muna niya sila dumiretso ni Rohem. Parehas na nagpapagpag ang dalawa. Basang-basa sila ng ulan na hindi nila inaasahang bubuhos ng ganun kabilis. “Hays! Bigla-bigla namang umuulan!” naiinis na wika ni Tattered. Tumingin ito kay Rohem na patuloy lamang na nagpagpag ng sarili at pinipiga ang nabasang damit. “Wala na ring magagawa ‘yang pagpiga mo sa damit mo. Hindi ‘yan matutuyo dahil basang-basa na,” ani Tattered. Tiningnan ni Rohem si Tattered. Nagbuga siya ng hininga. “Halika na muna

