Magkasabay na naglalakad nang mabagal sina Rohem at Tattered sa gilid ng daan. Nagpunta silang dalawa sa park at magkasamang ine-enjoy ang magandang tanawin at preskong hangin na malamig sa pakiramdam. Madilim na ang langit at nagkalat na ang mga bituin sa paligid ng pabilog na buwan pero nagliliwanag ang buong park naman dahil sa mga lamp post na nagkalat sa paligid. “Alam mo ba? Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko sayo. Kilala mo si Patrick, ‘di ba? ‘Yung kasama natin sa office? Kaya pala niya ako kilala dahil bukod sa negosyo namin, magkakilala rin sila ni Kuya at ito pa, hindi lang sila magkakilala kundi may past rin silang dalawa. In short, mag-ex pala silang dalawa,” pagkwe-kwento ni Rohem kay Tattered na napatingin naman sa kanya. “Talaga?” tanong naman ni Tattered sa tono na hind

