Nadatnan kong kumakain ng pagkaing binili ang kapatid ko. "Ate, kain na," sabi ni Aila sa akin. "Okay lang ako, kumain na ako kanina," sagot ko sa kapatid ko at ngumiti sa kanya. "Marami ito, ate. P'wede na mamayang hapunan natin kaya ayos lang na huwag na tayong magluto," natutuwang sabi ni Aila na ngumiti sa akin. "Salamat dito, ate, ha?" Kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko ngayong nakikita ko ang masayang mukha ng kapatid ko, habang kumakain ng fried chicken kapares ng spaghetti at coke. Isang bucket meal ang binili ko kanina. Ang tagal na kasi ng huling kumain kami sa Jollibee dahil kapos sa budget, kaya naisip kong bilhan ang mga kapatid ko ngayon may pera naman kami. Hiniram ko ang cellphone ni Aila at tinawagan si Harlen. Kailangan ko ng tulong niya para makuha ang mga gami

