Chapter 49 .... Napatingin ako sa nagsalita. Nakita ko ang isang lalaking nakangiti, gwapo,maganda at maputi ang katawan at ang mala basketbolista niyang tangkad. "Sige lang...hindi ko namang pagmamay-ari itong dagat eh." Sagot ko sa kanya at ibinaling ko na ang tingin ko sa mga kasama kong enjoy na enyoy sa paglalaro sa dagat. "Your funny ha." Narinig kong sambit niya. Naramdaman ko namang umupo talaga siya sa aking tabi. Napatingin muli ako sa kanya na nagsasabing "What are you talking about?" na nginitian niya lang. "By the way, i'm Justine." Pagpapakila niya sabay lahad ng kanyang kamay. Tinignan ko ang kanyang napakalaking kamay pagkatapos ay nginitian ko siya. "Sky." Sagot ko na sabay kuha ng kanyang kamay. Bukod sa malaki ang kanyang kamay, malambot din ito. Halatang hindi g

