chapter 22 Sky's Pov: Mag-iisang buwan nang nangliligaw sa akin si Jake. Sa totoo lang parang unti unti na ring nahuhulog ang aking loob sa kanya. Kayo ba naman ang banatan niya oras-oras…ay mali segu-segundo pala na may kasama pang mga iba't ibang bagay na binibigay sa akin. Tinutoo talaga niya ang kanyang sinabi noon na hihigitan namin ang kasweetan nina Kuya Axel at Maya. Sa nakaraang linggo rin, napansin kong parang madalas magtampuhan sina Maya at Kuya. Ayaw ko namang manghimasok sa kanilang dalawa. Ang problema nila ay sa kanila lang! "Wag ka ngang malikot Sky! Di kita mamake up'an eh!" Narinig ko mula sa aking harapan. Ngayon na pala ang Mr. Gay. At dahil kay Jake, isa ako sa labing apat na kalahok. Maraming mga kalalakihan ang hindi sumali. Akalain niyo naman kasi…mga strai

