Chapter 41 Nakangiti akong nakahiga ngayon dito sa aking kama habang inaalala lahat ng nangyari ngayong araw. Kakarating lang namin ni kuya Keith dito sa bahay.Hindi pa rin mawala ang saya na aking nararamdaman dahil sa pagpapakita namin ni kuya Axel. "Anak…maghahapunan na." Narinig kong sigaw ni mama mula sa labas ng aking kwarto. Tumayo na lang ako sa aking pagkakahiga at lumabas ng aking kwarto. Pagbaba ko, hindi ko alam kung anong meron at ang lakas ng tawanan. Nagtataka ako kung anong meron pero may kakaiba. Agad akong pumanhik sa kusina at laking gulat ko na lang nang makita ko si Kenn kasama ang kanyang mga magulang. Bigla akong napaisip kung bakit sila nandito. Ano kaya ang sadya nila dito? "Oh anak! Halika at sumabay ka sa aming kumain." Tawag ni mama sa akin ng makita niya

