Chapter 47 Matapos ang tagpo nina Kenn at Kuya Kieth ay bigla na lang nagbago si Kenn. Halos araw na araw nang balisa ang kanyang kinikilos. Hindi ko namang magawang magtanong sa kanya dahil alam ko kung ano ang kanyang nararamdaman.Kahit na sabihin pa nating matindi ang galt niya kay kuya Keith, ramdam ko at kitang kita ko ang kanyang kalungkutan. Kahit na ganun siya sa mga nakaraang araw, hindi naman nagbago ang pakikitungo niya sa aking sa tuwing kami ay magkasama. Siya pa rin ang taga luto sa aming dalawa at ako naman ang taga hugas. Magkasama kaming pumapasok sa eskwelahan at sabay ding umuuwi sa bahay. Minsan, hindi maiiwasan ang pagyayahan na lumabas. Palaging si Jake at Ali ang nagyayaya sa amin ni Kenn. " Anong gagawin niyo sa nalalapit na Sem-Break?" Biglang tanong ni Al

