CHAPTER SEVENTY ONE “GREVAN is sick.” May pangungusap sa mga binitawang salita ni Deborah. Siya ang sumundo sa akin kanina sa restaurant. Wala naman akong ibang mapuntahan na talaga. Sinabihan ko si Sebastian na kailangan na talaga naming maghiwalay na dalawa. Hindi na rin nakakabuti na magkasama kami. Hindi na ako nagpunta pa sa police station para magreport sa mga pulis pang-iiskandalo sa akin ni Jakeson. Kagaya ng sinabi sa akin noon ni Sebastian, meron hindi magandang ugali talaga ang pinsan niya kaya naman inuwa ko na lang. Hindi rin naman ako binigyan ni Jakeson ng pagkakataong makapagsalita. Galit na galit talaga siya sa akin. Galit na kung hindi siya napigilan talaga ni Sebastian, baka kung ano nang nangyari talaga sa akin. “I already knew he is sick.” Kalmadong pagkakatugon k

