CHAPTER SIXTY NINE WALANG kami ni Sebastian Del Mundo at kagaya ng sinabi niya ay makakapaghintay raw siya sa oras na maging okay na akong muli. Patuloy pa rin naman akong ginugulo ni Grevan na parang hindi niya matanggap na tinalikuran ko na siya. Aaminin kong nasasaktan pa rin ako pero naiisip ko na walang mangyayaring pagbabago sa kaniya kahit na makipagbalikan akong muli. Mas mabuti ng hindi na kami magkita, hindi na kami magsamang dalawa. Magagawa na niya ang gusto niya sa ibang tao na wala siyang aalalahaning Mico. Tinapon ko na ang phone ko sa swimming pool dahil maya’t maya ang pilit na pagtawag sa akin ni Grevan. Walang katapusang mensahe at bukod pa roon. Maya’t maya ang dating ng kung ano anong regalo galing sa kaniya rito sa bahay ni Sebastian. Sabi ng mga nagdi-deliver ku

