Galit at inis ang nararamdaman ni Joyce ng maisahan at madali siya ng taong kanyang naiisip ngayon. Ang taong naglalaro sa isip na at nag-iisang possible na gumawa nito sa kanya. Nanggigigil siya sa inis at pabulong-bulong habang kanyang iniuuntog ang isang kamao sa ibabang bahagi ng kanyang bibig, banda sa kanyang baba, habang nag-iisip ng posibleng gawin upang makaganti siya sa ginawa sa kanya ni Allan kagabi sa mismong araw pa ng kanilang kasal ng kanyang asawa. Honeymoon pa naman namin! naibulong ni Joyce, habang patuloy sa pag-iisip kung ano ang nangyari sa kanya kagabi, maliban sa nalasing siya matapos ang makainom ng alak na dala ni Allan. Isama pa ang taong nagdala sa kanya sa kwarto at ang nagpalit ng kanyang damit habang siya ay lasing na lasing at mahimbing na nakatulog. N

