“Ate Joyce saan ka ba nagpunta? Ano bang nangyari sayo?" Tanong agad ni Britzstone matapos kong masagot ang tawag nito. “Papunta ako hospital ngayon. Later nalang tayo mag-usap oras na makauwi na ako. Mamaya pagkatapos ng check-up ko. Uuwi na rin ako agad." Sagot ko sa kanya habang lulan muli kami ng taxi nitong si Gilbert na bakla. “Sabi ni Kuya Anthony dito nalang raw kayo sa office magdiretso ni Gilbert." Sabi pa muli ni Britzstone sa akin matapos kong sabihing naririto na kami sa ospital ni Gilbert. Kabababa lang namin ng taxi matapos magbayad ni Gilbert. Siya yung pinagbayad ko muna at tinatamad akong dumukot sa bulsa. “Bakit raw?" Tanong ko after kong lingunin si Gilbert habang lakad pagong ang kanyang ginagawa. Marami kasing gwapo sa paligid at lilinga-linga siya habang naaaliw

