“ Salamat " ang sagot nito. Bahagya na napatid na rin ang pagkakahirin nito. Patahol tahol pa siya pero tiyak na halos wala na rin yung bumara sa lalamunan nito. Kangina kasi halos mamilipit ang itsura nito. Siguro ay kay laki ng bumara kaya hindi mailunok. Bumuntong hininga pa si Demons “ Grabe sobrang sakit non " ang sabi ng maging maayos na ito huminga. Nakakahinga na siya ng maluwag eh. Kaya nagagawa ng tumawa. “ Alam mo okay ka rin pala ano " ang sabi ko na pinapanuod pa siya. Tumawa ako na ngumiti pa sa kanya. “ Hindi ka naman pala ganuon kagrabe ng buong akala ko ” Nag eenjoy pa nga ako kasama siya. “ Masaya ka rin pala kasama. Pero sana yung tipong ganyan ka nalang. Hindi yung para kang Demons kung magalit at sumigaw " buskang sambit ko saka ko siya pinagtatawanan. Tumawa

