Muli ay itinuon ko sa ginagawa at binabasa basa kong mga file ng report mula sa iba't ibang department na ipinasa ng ilan sa mga tao namin sa Cabreras. Ano na kaya ginagawa niya? napapaisip ako. Kamusta na kaya siya? Kumusta na kaya siya at ano ang ginagawa niya? “ Bakit hindi mo tawagan? " nang maalala ko nga na pwede ko pala siya tawagan matapos kong maisip at kunin ang cellphone ko. Dudukutin ko pa lang sana, ang cellphone ko ng may marinigan akong kumakatok sa aking pinto. “ Sino yan? " sigaw ko pa Tok, tok, tok Sino ba iyan? wala pa ring sumasagot sa ikalawang tanong ko kung sino iyon. Tok, tok, tok naiinis na nga ako ng walang pa rin itong sagot. Tok, tok, tok sa pangatlong katok nainis na talaga ako. Kaya pilit man, tumayo ako. “ Sino ba iyan? " tanong at sigaw ko ng ayaw

