Daig ko pa ang naghahabol ng aking hininga ng dahil sa dami ng nakain ko. Dito pa rin ako sa pantry at kumakain ng patago. Matapos kong dalhin ang kape ni Demon ay bumalik muli ako rito para kumain. Masarap yung cake na nakita ko sa ref. Dala siguro at inilagay ng kung sino at akin naman ito kinain. Nautusan pa akong tumungo sa office ni Claire para lang dalhin itong iniutos ni Demon. Tinatamad pa naman akong lumakad ng dahil sa sobrang pagkabusog. Nais ko tuloy mahiga at tila ba pipikit yung mata ko at nais na nitong matulog. Bahala na! Makalabas na nga at makapunta kay Claire ng maibigay na ito. Lumabas na ako sa pantry ng mapansin ako ni Demon na muli ay nagbabasa-basa sa kanyang mesa. “Lalabas ka na?" Tanong ni Demon. “Yes! Dalhin ko na yung ipinag-utos mo sa opisina ni Claire." Sag

