Laking gulat ko nang marinig ko ang pakilala niya sa akin, kaya ko nalaman kung sino ang magandang dilag na ito na nasa harapan ko ngayon. Halos mapanganga pa muli ako nang marinig ko kung sino siya. Hindi naman ako makapaniwala doon. "Kung kapatid ka po pala ni Mr. Ethan, bakit po nagkukunwari ka kanina na para bang ex girlfriend ka niya o kung ano pa man na para bang may kakaiba kayong relasyon?" nagtataka naman na tanong ko sa kaniya. Nagkibit-balikat naman siya dahil sa tanong ko na 'yon. "Nothing. Gusto ko lang malaman kung anong klaseng babae na naman ang dinala at pinatira ni Ethan dito sa condo unit." "Totoo po ba na sa inyo ang bahay na ito?" tanong ko pang muli sa kaniya. "Well... Technically ay dapat sa akin ito. Pero inagaw ni Ethan sa akin. Dahil ang sabi niya sa Dad na

