ZIENA LARA "SINUNOD ko lang si Hari. Okay? Iniisip niya kasi may relasyon tayo. Alam mo naman, magkakagulo kami kapag sinulot kita. Paano ba naman, sinabi mo naka-ten rounds tayo," aniya ni Javier sa akin. "Pero pinatulog mo ako!" "Kung gising ka ba, madadala ka ba ni Javi kay Kingston?" irap na saad ni Tres. Tinaasan ko naman ito ng kilay. Nilapitan ko ito at nakangising tiningnan. "Balita ko, iniwan mo na daw ang doktora sa Isla. May bago ka na ba ulit?" Hindi naman ito nakaimik. "Gan'yan kayo mga lalaki na nakakaputang-ina! Pagkatapos niyong tikman, iiwanan niyo!" Tumikhim naman si Javi. "Hindi ka pa abswelto, Salvacion!" Sigaw ko naman. "Mahal ka naman ni Hari. Ang init talaga ng ulo mo, Cortez!" sagot naman ni Bry. Isa pa ito. Ginapang ang bunsong kapatid nila Geo at Ginto

