ZIENA LARA "WOW, congrats!" nakangising saad ni Jenny sa akin. Mahina naman ako napatawa. Yes, alam na nila na ikakasal na kami ni Hari. "So, magbabago ka na ba?" tanong naman ni LC. Ngumiti naman ako. "Kapag may anak na kami ni Hari ko, of course, family first," saad ko naman. "Sa palagay ko naman, hihigpitan ka rin ni King. Tama lang 'yan, masaya kapag tahimik at walang gulo ang pagsasama niyo," sabat ni Gaia. "Oh, next week na agad ang kasal niyo? Bakit ang bilis? Buntis ka na ba?" tanong naman ni Ann. "Hindi. Minamadali lang niya. Possessive," sabay kindat ko naman. Nagtatawanan naman sila. Nandito kami ngayon sa restaurant ni Roice. Naghanda si Gaia ng pagkain para sa amin.p0ppplp "Roice?! Pahingi tubig!" aniya ni Jenny. "Tumayo ka!" supladong sagot naman ni Roice. Napa

