Chapter 33 Pagpapa-alis Kasalukuyang kumakain ng almusal sina Mang Prodencio nang biglang bumisita sa munting bahay nila si madam Ella. Ang kanilang babaeng amo. Pinaupo nila ito sa mahabang upuan na gawa sa kawayan at nilagyan na lamang nila ito ng maliit na unan. "Kamusta, Prodencio?" nakangiting tanong nito. Naroon pa rin sa kilos at galaw nito ang pagka-awtoridad at pagse-seryoso. "Madam Ella." "Masaya ako dahil hindi mo pinabayaan ang Rossa Island. Dahil hangggang ngayon ay maganda pa rin ang pamamalakad mo at parang hindi rin nagbago ang bahay-bakasyunan," saad nito at simimsim ito ng kape na binigay ni Aleng Camnia. Magkatabing nakaupo sila sa silya na nasa maliit na sala nila. Habang nasa harapan nila ang kanilang amo. Naka-dikuwatrong upo ito at nakatanaw sa malawak na k

