ALDRICH: NAKABUSANGOT AKO na lumabas ng silid namin ni Mokang. Malapad naman ang ngisi ng hudyo na kitang hindi maipinta ang mukha ko. Ang sakit kaya ng puson ko. Fvck! "Bakit hindi na lang kayo ang mamasyal? Kailangan pa kaming isama," pasaring ko. Napahalakhak naman ang mga ito na lalong ikinabusangot ko. "Damn, dude. Binigyan na nga namin kayo ng privacy e," naiiling saad nito na ikinairap ko. "Hindi nga ako nakaraos e," bubulong-bulong kong pagmamaktol. "Let's go, Monica. Tour us around," malambing saad ni Lara na hinila na si Mokang. Inakbayan naman ako ni hudyo na nakasunod sa dalawang lumabas ng bahay. TINATAMAD AKONG nakasunod lang sa mga itong naglalakad dito sa gilid ng pampang. Sumakay pa kami ng bangka para dumayo dito sa kabilang isla. Maganda naman ang ambiance n

