Chapter 6

2133 คำ
“Bakit hindi mo in-aprobahan ang delivery sa Batangas?” tila nagpipigil ng inis na wika ni Ana nang puntahan siya nito sa opisina niya isang umaga. Ang tinutukoy nito ay ang delivery ng corn products na siyang pangunahing produkto ng Rancho kasama ng palay at buko. “I’m sorry, Ana. Pero nauna ang Purchase Order ng Cavite kaysa ang Batangas. Sinabi ko kay Letty na sabihin sa’yo na kailangang unahin ang Cavite.” “Nag-commit na ako na may delivery kahapon kay Mr. Arsenio, Anikka! Bakit ba lagi mong sinasalungat ang mga desisyon ko?” pagalit na nitong wika. Gusto niyang salungatin ang sinabi nito dahil ito ang laging kumokontra sa mga desisyon niya kung tutuusin. Sa ilang buwan niyang pagtatrabaho sa Mondragon Agri Corp. ay lagi silang nagtatalo pagdating sa deliveries. “Bukas naka-schedule ang Batangas. Just tell Mr. Arsenio to wait for it tomorrow,” pinal niyang sabi saka itinuon ang mata sa iba pang kailangang pirmahan. “Ganoon na lang ‘yon, hindi ba? Hindi naman ikaw ang kausap ni Mr. Arsenio kaya’t hindi ikaw ang napapahiya.” “Unang-una, hindi ko alam kung bakit mo kailangang i-commit gayong alam mong marami pang dapat mauna sa kanya. May chart ka ng bawat P.O. na pumapasok sa kumpanya, Ana, kailangan mong sundin ‘yon,” sagot niya dito na halos mawala na rin ang pagtitimpi niya. “I am the VP for Operations here,” mabigat na wika nito sa kanya. “Mas mataas pa rin ang posisyon ko sa’yo kahit pa sabihing ikaw ang tunay na anak ni Papa. Hintayin mong maging CEO ka bago ako susunod sa sinasabi mo,” wika nito bago padabog na umalis. Napapikit siya at isinandal ang likod sa swivel chair. Totoo namang hindi pa niya tinatanggap ang pagiging CEO ng Mondragon Agri Corp. dahil nariyan pa ang ama. Matapos siyang maging sekretarya nito sa tatlong buwan ay hiniling niyang magtrabaho siya sa Logistics Department para ma-monitor ang paglabas ng mga deliveries. Nitong mga nakaraang buwan ay nakita niya ang Financial Report at malapit na sa negative ang income ng kumpanya gayong marami namang ani sa Rancho. “Have a break,” wika ng baritonong boses at agad siyang nagmulat ng mata. Iniabot nito ang iced coffee na madalas niyang inumin kapag gusto niyang ma-relax. Agad naman siyang napangiti sa kaharap. “Nagkaroon na naman kayo ng pagtatalo ni Ana.” “Lagi mo na lang kaming naaabutan sa ganoong sitwasyon,” natatawa niyang sabi. Sa loob ng ilang buwan na nagkakilala sila ni Benedict ay naging malapit silang magkaibigan sa kabila ng alam niyang ikagagalit iyon ni Ana. Ni minsan ay hindi nman ito tinapunan ng tingin ni Benedict kaya’t alam niyang wala siyang sasagasaang relasyon ng dalawa kung sakali man. Naitanong na rin niya sa ama ang pagtutol nito kay Benedict at Ana pero wala raw siyang alam sa sinasabi nito. Now she realized that Ana was referring to Octavio then. Nanggaling na sa bibig nito na ang tinutukoy nitong Papa ay si Octavio. “Knowing how stubborn she is, hindi na ako magtataka. Napakalawak pa ng pagtitimpi mo sa lagay na ‘yan and I admire that. Pero minsan ay kailangan mo ring magpakita ng tapang mo.” “Magtitimpi ako hangga’t kaya ko Benedict. Hindi ko rin namang gustong makita ng mga empleyado na nag-aaway kaming magkakapamilya dito.” Muli niyang isinandal ang likod sa kinauupuan. “Napadaan ka?” “To invite you for a dinner,” wika nito. Gusto niyang tanggihan ito pero gusto niya ring i-relax ang isip. “Lalong magwawala sa inis si Ana sa ginagawa mo. Why don’t you invite her instead? Nang lumamig nama ang ulo sa akin,” may himig pagbibiro niya. “Once and for all, I don’t have any intention of getting myself involved with her. Ikaw ang niyayaya ko ng dinner date.” “So, it’s a date,” komento niya sa mahinang tinig. “Yes. At kung pahihintulutan mo’y gusto kong makilala natin ang isa’t-isa nang lubusan, Anastacia.” Sinalubong niya ang mga titig nito at natitiyak niyang may gusto ito sa kanya. Pero wala siyang maramdamang espesyal sa kabila ng mas magandang lalaki ito kay Jude. He is a good friend, that’s it. Sandalan niya kapag na-i-stress siya sa opisina katulad ngayon. “Just give us a try. Hindi naman kita minamadali. I just want you to get to know me,” dugtong nito nang makita ang pag-aalinlangan niya. “Hindi ko alam ang sasabihin ko, Benedict. Hindi ko pa nakakausap si Jude mula nang umalis ako sa dati kong tirahan. Kailangan ko munang makipag-break sa kanya, at least bago ako pumasok sa ibang commitment,” pagdadahilan niya. “Walang problema sa akin. Handa nama akong maghintay,” wika naman ng binata. Pagdating ng alas sais ay lumabas sila ni Benedict sa compound ng Mondragon Agri Corp. Kumain sila sa isang high-end restaurant sa bayan ng CamSur at sandaling naglakad-lakad sa isang parke doon. Kahit paano’y naibsan ang kaninang inis niya kay Ana. Nang hawakan ni Benedict ang kamay niya’y hindi siya tumanggi. Nagkaroon siya ng kapanatagan sa presensya nito. Kung humantong sila sa mas malalim na relasyon ay hindi niya masagot. Sapat na ang ganito sa ngayon. Inihatid siya ni Benedict hanggang sa bahay at nagulat siya nang makitang naroon ang Uncle Octavio niya at kausap ang inang si Diana at Ana. The complete family, she thought. Alam niyang nasa opisina pa ang ama dahil may kausap pa itong isang kaibigan sa negosyo. Nang humalik si Benedict sa pisngi niya bago ito nagpaalam ay nakita niya ang pag-irap ni Ana. Bumati siya sa mga ito pero sandali lang ngumiti si Octavio. Tinanong naman siya ng ina kung tapos na siyang maghapunan at sinagot niyang kumain sila ni Benedict sa labas. Tumuloy na siya sa silid dahil mukha namang hindi kailangan ang presensiya niya roon. Halos alas nueve na nang maisipan niyang puntahan ang ama kung dumating na ito. Kalimitan nama’y alas nueve o alas diyes na ito dumadating. Nang magtanong siya sa mga katulong ay sinabing hindi pa ito dumadating. Nagpasya siyang magpahangin sa labas habang hinihintay ang ama. Maraming malalaking punungkahoy ang nasa paligid ng mansyon na ginawang upuan sa hardin at palibot ng bahay. Hindi pa siya nakakatagal sa pagkakaupo ay may naulinigan na siyang dalawang taong nag-uusap. Pilit niyang pinalalakas ang pandinig para alamin ang pinag-uusapan ng mga ito. It was her Uncle Octavio and Ana that were in the dark talking. “Si Benedict ang gusto ko, Papa!” halos paanas na wika ni Ana, kung umiiyak ba ito ay hindi niya matiyak. “Sinabi ko na sa’yong tigilan mo na ang kabaliwan sa lalaking iyon. Wala kang mapapala sa isang beterinaryo.” “Hindi ko gusto ang lalaking ipagkakasundo nila sa kanya!” patuloy nitong sagot. “Kailangan mong sumunod. Kapag naisagawa ko na ang plano’y magkakaroon ka ng asawang mayaman at mahihigitan mo na ang babaeng iyon!” “Wala akong pakialam kung mas mayaman si Anikka sa akin. Si Benedict ang kailangan ko!” “Huwag kang hangal, Ana! Kailangan ko ang koneksyon ng mapapangasawa ni Anikka dahil magagamit ko ang airlines para magparating ng mga kargamento! Susunod ka sa gusto ko!” Isang mahinang pag-iyak ang sumunod na naririnig niya at alam niyang iniwan na ito ni Octavio sa dilim dahil wala na siyang narinig na pagtatalo. Pero kung anuman ang plano na pinag-uusapan ng dalawa ay kailangan niyang ipaalam sa ama. Pumasok siya sa kabahayan at hinanap ang ina pero sinabi ng katulong na kasama ito ng ama kanina na umalis ulit. Ipinagtaka niya iyon dahil alas nueve na at walang dahilan para umalis ang dalawa. Tinawagan niya ang Papa niya at sumagot naman ito agad sa telepono. “Sumakit ang tiyan ng Mama mo kaya kailangan ko siyang dalhin sa clinic ni Dr. Corpuz. Pauwi na rin kami, anak,” sagot nito. Nabunutan naman siya ng tinik nang maibaba ang telepono. “Nag-aalala ka ba sa Papa mo, Anastacia Mondragon?” Napapitlag siya sa boses mula sa likod at nakita ang pagngisi ng Uncle Octavio niya. Pilit niyang kinalma ang sarili at huwag magpanaig sa takot. Pero tila nagbabaga ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya. “Ano ang ginagawa mo dito?” tanong niya dahil akala niya’y nakaalis na ito. “Akala niyo ba’y nalinlang niyo ako sa pagpapanggap niyong nawala ka pagkatapos ay biglang isinauli ng isang babae? Minamaliit ng Papa mo ang pagkatao ko,” wika nito na sa kabila ng kalmadong tinig ay naroon ang bagsik sa mga mata. “Kung ano ang hindi niyo pagkakaunawaan ng Papa ay dapat n’yong pag-usapan, Uncle.” Tumatango lang ito habang dahan dahan ang paglakad paikot sa kanya. Inaatake na naman siya ng anxiety dahil sa presensya nito. Ni hindi niya maihakbang ang mga paa para lumayo sa tiyuhin. “Mag-uusap kami. Kung….” Anuman ang sasabihin nito ay sadyang hindi na itinuloy dahil umalis na ito sa harap niya nang nakangisi. Alam niyang iniwanan siya nito ng isang palaisipan. Agad siyang pumasok sa silid at muling tinawagan ang telepono ng ama pero hindi na ito makontak. Agad nang umahon ang kaba sa dibdib niya at hindi man niya gustong isipin ay nag-aalala na siya. Pinilit naman niyang kalmahin ang sarili para makapag-isip ng tamang gawin pero nanginginig na ang mga kamay niya sa takot. Halos alas onse na ay wala pa ang mga magulang. Gusto niya nang umiyak sa takot at pag-aalala. Narinig niyang nagkakagulo sa labas at agad siyang sumilip sa balkonahe. May narinig siyang pag-iyak, pagkatapos ay ang pagsakay ni Ana sa kotse at mabilis na umalis. Bumaba siya para itanong sa mga katulong kung ano ang nangyayari. “Nakita daw po ang sasakyan nila Sir Agusto sa kakahuyan na tadtad ng bala ng baril.” Nanginig kaagad ang tuhod niya at nawalan siya ng lakas sa narinig. Ni hindi siya isinama ni Ana nang puntahan nito ang mga magulang. Isa sa hindi niya pinagkaabalahang pag-aralan ay ang pagmamaneho. Agad niyang tinungo ang kwadra at inilabas si Glory. Sa nakalipas ng buwan ay ito ang itinuro sa kanya ni Benedict. Sa kabila ng panginginig at nararamdamang takot ay tinungo niya ang kakahuyan kung saan maaaring dumaan ang sasakyan ng ama pauwi. Nagimbal siya sa nakita nang buhat-buhat ng isang bodyguard ang katawan ng ina na duguan at tila walang malay. Tadtad nga ng bala ang sasakyan na ang tanging ilaw nila ngayon ay ang sasakyang dala ni Ana. Ang kapatid ay walang tigil sa pag-iyak at sinabing dalhin sa ospital si Diana. Tuluyan na siyang napaiyak sa nakitang kalagayan ng Mama niya. Inikot niya ang Jeep ng ama pero wala si Agusto doon. “Nasaan ang Papa?” tanong niya sa isang bodyguard sa pagitan ng paghikbi. Ang mga luha niya ay tuloy-tuloy na naglalandas sa pisngi. “Kanina po habang pinagbabaril ang sasakyan ay tumalon siya sa gubat sa parteng may bangin. Narinig na lang po namin ang sigaw niya na marahil ay nahulog na doon. Huminto na po ang humahabol sa amin nang makitang wala na si sir sa sasakyan,” wika ng isang bodyguard na hindi napuruhan. Pero sa apat na sakay niyon ay dalawa din ang matindi ang tinamong bala. Tinawag ito ni Ana para dalhin sa ospital sakay pa ang mga napuruhan kasama ang ina na walang malay. Naiwan siya sa gitna ng kadiliman. Pinailaw niya ang cellphone na dala at siyang ginawa niyang ilaw sa kakahuyan. Wala pang tatlong minuto ay may narinig siyang paparating pa na isang sasakyan. Panganib ang dulot nito sa kanyang isipan kaya agad niyang pinatakbo si Glory. Dahil sa madilim ay kung saan-saan na lang ito tumakbo hanggang makapasok pa siya sa loob ng kakahuyan. Hindi niya iniinda ang mga kahoy na sumusugat sa braso niya. Kailangan niyang makalayo. At dahil hindi niya na kabisado ang loob ng gubat ay naihulog siya ni Glory nang tila may isang patibong itong nadaanan. Sigaw niya ang pumuno sa madilim na sulok ng gubat na iyon. Maliwanag na sikat ng araw ang nagpagising sa kanya kinabukasan. Halos madurog ang puso niya nang makita ang kabayong si Glory na puno ng tusok ng alambre sa katawan nito. Naghihingalo na ito dahil marahil sa sakit. Muli siyang napaiyak. Tiyak niyang sinadya ang patibong na iyon at agad pumasok sa isip ang tiyuhin. Nilibot niya ang mga mata sa kakahuyan. Ni hindi niya pa naaabot ang parteng ito ng gubat. Hinanap niya ang telepono na ipinagpasalamat niyang nahulog lang malapit sa kinaroroonan niya. Buhay pa ang baterya nito. Alas nueve na ng umaga. Isang himala din na gumana ang GPS nito at nalaman ang kinaroroonan niya. Sa halip na umuwi sa malaking bahay ay tinungo niya ang karatig probinsiya na maaari niyang puntahan. Ang Quezon Province.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม