Chapter 2

1099 คำ
"MEETING adjourned," wika ni Brandon pagkatapos ng meeting nila with the Board of Directors. They have a meeting every quarter. At nang sabihin niya iyon ay isa-isang tumayo na ang mga board of directors mula sa pagkakaupo ng mga ito. Pagkatapos ay isa-isa ding nagpaalam hanggang sa lumabas na ang mga ito sa conference room. Tumayo na nga din si Brandon mula sa pagkakaupo niya at saka na din siya lumabas ng conference room. At napatingin nga si Brandon sa cubicle ng secretary niya ng mapansin na wala ito doon. Pero naisip naman niyang baka nag-banyo lang ito. Nagpatuloy si Brandon sa paglalakad hanggang sa makapasok siya sa kanyang opisina. At habang naglalakad siya palapit sa executive table niya ay inaalis na din niya ang suot na itim na tuxedo. At akmang isasabit niya iyon sa coat rack nang mapatigil siya ng may mahagip ang tingin niya na isang bulto na nakaupo sa sofa na nasa loob ng opisina niya. At hindi napigilan ni Brandon ang kumunot ng noo nang makita niya ang isang babaeng nakaupo do'n habang natutulog. Who is that woman? What is she doing in his office? And why is she sleeping here? Brandon kept his eyes on the woman sleeping peacefully on his sofa. He couldn’t help but let his gaze wander from her head to toe. She wore something simple: a t-shirt neatly tucked into her blue pants. Umangat nga din ang tingin niya sa mukha nito. Hindi niya masyado makita ang mukha nito dahil natatakpan iyon ng mahaba at maitim na buhok nito. Saglit pa ngang nakatitig si Brandon sa babae hanggang sa inalis niya ang tingin dito at nagpatuloy na sa paghakbang hanggang sa nakaupo siya sa kanyang swivel chair. Inangat nga din ni Brandon ang intercom para tawagan ang secretary, baka kasi nasa cubicle na ito. At naroon na nga ito dahil sinagot nito ang tawag niya. "Come to my office," utos niya dito bago ibinaba ang intercom. At makalipas ang ilang sandali ay nakarinig siya ng mahinang katok. At ang pagbukas ng pinto at ang pagpasok ni Eric sa loob ng opisina. "Do you need anything, Sir?" tanong nito sa kanya nang makalapit. Sa halip naman na sagutin ito ay tumagos ang tingin niya sa likod nito. "Who's that woman?" tanong niya dito. Sinundan naman ni Eric ang tinitingnan niya. "Sir, kasama po siya ni Ma'am Paula," sagot nito sa kanya nang ibalik nito ang tingin sa kanya. Hindi naman niya napigilan ang napakunot ng noo. At ano ang ginagawa ni Paula sa opisina niya. She was supposed to be at school right now. Was she skipping class? Paula had known her since they were kids, their families were friends. Brandon was actually six years older than her. "Sir Brandon, do you want me to wake her up?" Bubuka sana ang bibig ni Brandon para magsalita nang mapatigil nang may mapansing nakatitig sa kanya. At nang muli siyang napatingin sa babae ay nakita niyang gising na ito at ngayon ay nakatitig na sa kanya. “No need, Eric. She’s already awake,” wika niya habang ang mata ay nanatili sa babae kaya napansin niya ang pamumula ng pisngi nito. Tumayo naman ang babae para batiin at humingi ng paunmanhin dahil nakatulog ito sa opisina niya. Brandon didn’t say anything; he just stared at the woman. And now, he could see her face clearly. He had to admit, she was breathtakingly beautiful. He also noticed that she wasn’t wearing any makeup, unlike the other women he usually met. At magsasalita sana si Brandon nang bumukas ang pinto. Sabay-sabay naman silang nag-angat ng tingin do'n at nakita ni Brandon ang pagpasok ni Paula sa loob ng opisina niya "Beatrice-- Hindi na nito natapos ang ibang sasabihin ng tumuon ang tingin nito sa dereksiyon niya. At nang makita siya nito ay agad na sumilay ang ngiti sa labi niya. "Oh, Hi Brandon," bati ni Paula sa kanya. At kahit na matanda siya dito ng anim ba taon ay hindi siya nito tinatawag na Kuya. "Tapos na ang meeting?" Brandon just nodded in response. “What are you doing here, Paula?” mayamaya ay tanong niya dito sa malamig na boses. "Papa, wants to give you something," wika naman nito sa kanya. Pagkatapos niyon ay lumapit ito sa kanya para i-abot sa kanya ang pinamimigay ng ama nitong si Tito Patrick, tinanggap naman niya iyon. May mga sinabi pa si Paula sa kanya. Pero sa halip na pagtuunan ito ng pansin ay nag-angat siya ng tingin pabalik sa babaeng kasama nito. At hindi napigilan ni Brandon na taasan ito ng isang kilay nang mahuli niya itong nakatitig sa kanya. Napansin muli niya ang pamumula ng pisngi nito at ang pagyuko nito para siguro itago ang pamumula ng magkabilang pisngi nito. At mayamaya na napansin ni Brandon na tumigil si Paula mula sa pagsasalita nang mapansin nitong hindi na siya nakikinig dito. At mula sa gilid ng labi niya ay nakita niya na sinundan nito ang tinitingnan niya. "Beatrice," mayamaya ay tawag ni Paula. Nag-angat naman ang babae ng tingin. So, Beatrice ang pangalan nito. "Come here. Ipapakilala kita kay Brandon," wika ni Paula dito. Humugot muna ng malalim na buntong-hininga si Beatrice bago ito lumapit kay Paula. “Beatrice, this is Brandon Alvarez. He’s the President of Alvarez Group of Companies and a family friend.” pagpapakilala ni Paula sa kanya sa babae. Sumulyap naman sa kanya si Beatrice at kahit na nahihiya ay nagawa pa din nitong ngitian siya. "And Brandon, this is Beatrice, my bestfriend and classmate." At sa halip na ngumiti gaya ng ginawa ng babae ay tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa kanyang swivel chair at saka siya humakbang palapit dito. Brandon stopped in front of them, and he could smell two distinct perfumes. One was definitely Paula’s, and he was sure the other belonged to Beatrice. He caught the sweet scent and knew immediately it was Beatrice’s perfume, he was familiar with Paula’s expensive scent. And because Brandon towered over her, Beatrice had to lift her gaze to meet his eyes. At napatitig si Brandon sa mga mata ni Beatrice. At nakita niyang kulay tsokolate iyon. "It's nice meeting you, Beatrice," wika niya sa baritonong boses ng ilahad niya ang kamay dito. Bumaba naman ang tingin ni Beatrice sa kamay. Saglit nito iyong tinitigan bago nito iyon inabot. And her hands weren’t soft like the hands of other women he shook before. But even though they weren’t soft, he still felt a warmth from them. "Nice meeting you din po, Sir Brandon," wika din ni Beatrice sa kanya.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม