Chapter 9

1182 คำ
"B-BRANDON." Hindi napigilan ni Beatrice ang pagbilis ng t***k ng puso nang makita niya ang lalaking naglalakad palapit sa kanya. Hanggang sa huminto ito sa tapat niya. And Brandon was towering over her, so she had to lift her chin just to meet his gaze. "Hi," bati naman nito nang tuluyan itong nakalapit. "Anong.. ginagawa mo dito?" tanong niya sa halip na gumanti ng bati dito. "I’m here to take you home," sagot nito sa kanya. "Ha?" "I’m here to take you home, Beatrice," ulit na sagot nito sa kanya. Saglit naman siyang hindi nakapagsalita pero nang makabawi naman mula sa pagkabigla ay bumuka ang bibig niya para magsalita. "Hindi mo naman ako kailangan sunduin para ihatid ako pauwi, Brandon," sagot niya dito. "It’s dangerous, Beatrice. Especially now that it’s night," giit naman nito. "Sanay na din naman akong umuwi ng gabing mag-isa." "But not anymore." "Ha?" "Nandito na din naman ako kaya ihatid na lang kita," wika ni Brandon sa kanya. Wala na din namang nagawa si Beatrice kundi tumango na lang. Pinagdikit naman niya ang ibabang labi nang maramdaman ang paghawak ng lalaki sa likod ng siko para alalayan na siyang maglakad palapit sa kinapaparadahan ng kotse nito. At nang makalapit ay pinagbuksan siya nito ng pinto sa may front seat. Nakita pa nga niya ang pagpatong ng kamay nito sa bubong ng kotse ng sumakay siya do'n. "Salamat," mahinang wika niya nang makasakay siya sa loob. Pero mukhang narinig iyon ni Brandon. "You're welcome," sagot nito bago nito maingat na isinara ang pinto. Pagkatapos niyon ay humakbang ito palapit sa gawi ng driver seat at sumakay ito do'n. Pero bago nito paandarin ang makina ng kotse ay sumulyap ito sa kanya. "Seatbelt, Beatrice," wika nito ng mapansin nitong hindi pa niya naisusuot ang seatbelt niya. "Oh," sambit naman niya. Mabilis naman niyang sinuot ang seatbelt. At dahil kinakabahan dahil sa titig ni Brandon ay halos hindi niya maiusot ng maayos seatbelt niya. "Let me help you, Beatrice." At mayamaya ay natigilan si Beatrice nang kunin ni Brandon ang seatbelt na hawak para ito mismo ang magsuot niyon sa kanya, nagdikit nga din ang mga kamay nilang dalawa. At sa pagdidikit ng kamay ay muli na namang naramdaman ni Beatrice ang boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan niya. At alam niyang naramdaman din iyon ng lalaki dahil saglit itong natigilan. Pero nang makabawi ay itinuloy nito ang pagsusuot ng seatbelt. At nang sandaling iyon ay amoy na amoy ni Beatrice ang pabangong gamit ni Brandon na nanunuot sa ilong niya. "S-salamat," wika niya ng maikabit nito ng tuluyan ang seatbelt niya. Tumango lang naman ang lalaki bago ito umayos mula sa pagkakaupo nito. Binuhay na nito ang makina ng kotse at saka na nito iyon pinaandar paalis. At dahil wala naman siyang ibang sasabihin kay Brandon ay nanatili lang siyang tahimik, ganoon din ang lalaki. Tumingin nga din siya sa labas ng bintana, hindi nga din niya napigilan ang mapahikab nang isandal niya ang ulo sa headrest ng kinauupuan. Ipinikit niya ang mga mata. Wala siyang balak na matulog pero ng sandaling ipinikit niya ang mga mata ay tuluyan na siyang nakatulog. At naalimpungatan siya ng may marahan na yumuyugyog sa balikat niya. "Beatrice, wake up." Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. At nang magmulat ay bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang gwapong mukha ni Brandon. "We're here," wika nito sa kanya nag magtama ang mga mata nila. At nang mapatingin siya sa labas ng bintana ay do'n niya napansin na nasa tapat na sila ng apartment niya. "Oh, sorry. Nakatulog ako," paghingi niya ng paunmanhin kay Brandon ng ibalik niya ang tingin dito. Hindi nga din niya napigilan na makaramdam ng hiya dahil hinatid na nga siya nito ay tinulugan pa niya. "It's okay," sagot naman nito sa kanya. Sa halip na sumagot ay inalis niya ang seatbelt na suot. "D-dito na ako. At salamat ulit sa pagsundo at paghatid sa akin," wika niya dito. "You're welcome," wika nito. "Ingat ka sa pag-uwi," wika niya. Hindi na nga din niya ito hinintay na magsalita dahil binuksan na niya ang pinto. Pero hindi pa siya tuluyang nakakalabas ng mapatigil ng magsalita si Brandon. "Wait, Beatrice." Nilingon niya ito. Nakita naman niyang kinuha nito ang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng dasboard. "Can I get your number?" wika nito sa kanya ng i-abot nito sa kanya ang cellphone. "I’m trying to get your number from Paula, but she hasn’t given it to me yet. Maybe she doesn’t want to because you haven’t given your permission," pagpapatuloy na wika nito. Walang nabanggit si Paula sa kanya na kinukuha ni Brandon ang numero niya, naisip naman niyang baka nakalimutan nito. "So, sa 'yo ko na lang hihingin," wika nito. "Pwede ba?" Sa halip naman na sumagot ay kinuha niya ang cellphone na inaabot nito at inilagay ang numero niya do'n. At nang ma-i-save niya ay doon ibinalik niya ang cellphone nito. Napatitig naman si Beatrice dito nang makita ang nakaukit na ngiti sa labi ito habang nakatitig ito sa hawak na cellphone. At mayamaya ay narinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone niya. Kinuha namanniya iyon para tingnan kung sino ang tumatawag. At hindi naman napigilan ni Beatrice ang mapakunot ng noo nang makita niya ang unknown number na tumatawag sa kanya. Hindi sana niya iyon sasagutin pero naisip niyang baka emergency kaya sinagot pa din niya. "Hello?" "It's my number, Beatrice. Save it." At nang marinig niya ang pamilyar at baritonong boses na iyon ay agad siyang nag-angat ng tingin. At agad na nagtama ang mga mata nilang dalawa ni Brandon, nakita nga din niyang nakadikit ang hawak na cellphone sa tainga nito. "Ikaw pala," wika niya nang ibaba ang hawak na cellphone. "Yes. Save my number," wika nito. Tumango naman siya bilang sagot. "Baba na ako," mayamaya ay paalam niya. Nang tumango din ito ay tuluyan na din siyang bumaba ng kotse. At dahil alam niyang hindi ito aalis hanggang sa hindi siya nakakapasok ay diretso na siyang naglakad papasok sa loob ng gate. At nang lumingon siya ay doon naman niya nakita ang pag-alis ni Brandon. At hindi nga din niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi ng marinig niya ang pagbusina tanda ng pagpapaalam nito. Hindi pa nga din niya maalis ang ngiti sa kanyang labi ng pumasok siya sa loob ng apartment. At nang makapasok ay sandali muna siyang nagpahinga para makapag-halfbath na. Gusto na din kasi niyang matulog. At nang matapos ay lumabas siya ng banyo. At pagkalabas ay sakto namang tumunog ang message alert tone ng cellphone. Humakbang naman siya palapit do'n. Dinampot niya ang cellphone para tingnan ang nagpadala ng text message sa kanya. At hindi na naman niya napigilan ang mapangiti nang makita kung sino ang nagpadala ng text message sa kanya. Si Brandon. Agad naman niyang binasa ang text message nito. I'm home. Nang mabasa ni Beatrice yon ay nag-reply siya. At napasimangot siya nang hindi nag-sent ang message niya. At doon niya naalala na wala pala siyang load. Napabuntong-hininga na lang naman si Beatrice.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม