"This is The Doumo, the third largest church in the world. I can arrange the wedding for you there even at this very short notice," saad ni Elena "Ellie" D' Aniello, ang isa sa mga pinakasikat na events and wedding planner sa buong Italya. Tipikal na Italyana ang itsura ito, blonde ang buhok, matangos ang ilong, blue eyes at balingkinitan ang panganagtawan sa kabali nang nasa late 40's na ang edad ito. Kinuha ni Raine ang nakalahad na portfolio sa ibabaw ng lamesa, huminga siya ng malalim nang tuluyan niyang masilayan ang kabuuan ng simbahan. Talaga namang napakaganda niyon, walang tao ang hindi mamangha sa ganda at gara ng simbahan. Wala rin sigurong babae ang hindi mangangarap ikasal doon... maliban sa kanya. Ang magarang simbahang iyon ang magseselyo ng legal na pag-kakabilanggo ng

