Nakaharap siya sa kanyang computer monitor at kasalukuyang sinasagot ang kanyang mga emails nang biglang umingit pabukas ang pinto ng kanyang opisina sa Diamant Empire. Mabilis niyang sinilip ang tao sa kanyang peripheral vision. It was her secretary, Lianne. Mabilis niyang ibinalik sa monitor ang kanyang mga mata at nagpatuloy sa pagtipa. "Please give me an update about the account for Debeers. May kulang pa sila sa atin last transacton, close to $1 Million. Pakiremind yung Accounts na gusto kong masingil nila yung kulang by the end of this month, if not I will bring the matter in court. Pati na rin yung request ng Cartier for additional supply of diamonds. Gusto kong makita yung kontrata natin sa kanila. Kakaapprove ko lang last year ng increase ng supply sa kanila. Please do the follo

