Chapter 11 (Conspiracy)

1921 คำ
Somewhere in NCR "Aalis ka na?" Napabangon siya bigla at hindi alintana ang hubad na katawan. Mabilis siyang tumayo at naglakad palapit sa lalaki na nakatapi ng tuwalya. Kagagaling lang nito sa banyo at basa pa ang buhok.  She tiptoed to put her arms on his shoulders and pulled him closer to her, idinikit ang sarili rito. “Pwede na ba ako sumama?” “You know you can’t, hindi pa tayo pwede lumantad. Hindi pa tayo pwede makitang magkasama.” “Pero… pero malapit na ako ma-bored dito. I wanna go out. Iiwas naman tayo sa lugar na may makakakita sa atin na kakilala. No one will knows at busy ang lahat lalo dumadami ang pinapatay ni Nemesis, ‘di ba? No one will be interested in finding me at iyon naman ang ginagawa mo ‘di ba? Sinisigurado mo naman na wala makaistorbo sa atin. Bakit hindi tayo lumabas at mamasyal man lang? Kahit sa kotse lang tayo sana. At iyong kotse ko pala, nami-miss ko na, saan mo ba dinala?” “Hindi ko akalain na updated ka pala kay Nemesis…” the man said. She rolled her eyes. Sa dami niya sinabi ay iyong tungkol lang kay Nemesis ang tumatak dito. Hindi naman nakaligtas sa pakiramdam niya na waring natigilan ito nang banggitin niya si Nemesis. But why? Is he scared of Nemesis? Yeah… she remembered something from the past. Nemesis was always stealing her moment. She looked at him and sighed dahil mukhang hindi na naman niya makukulit ito para mamasyal, bigo na naman siyang isama nito. Ang nasa mga mata ng lalaki ay katanungan kung bakit niya nabanggit si Nemesis.  Inis na tumalikod siya at lumakad papunta sa lamesita kung saan may pitsel at baso. Nagsalin siya ng tubig at uminom. She was trying to calm herself, ayaw niya masira ang relasyon nila. Napailing siya. Ang nasa isip ay kung alam niya lang na sa umpisa lang pala siya nito lagi sasamahan ay hindi na siya pumayag pa sumama rito. Inis na humakbang siya pabalik sa kama pagkatapos maibaba ang baso sa mesa at naupo roon.  Tila napansin naman nito na naiinis siya kaya lumapit ito sa kaniya at nanatiling nakatayo lang habang nakatingin sa kaniya. He pinched her nose at inis na tinabig niya ang kamay nito.   “Gusto ko na umuwi. Gusto ko na bumalik sa trabaho ko. Sabi mo eh nasa akin lahat ng atensyon mo pero hindi naman pala. Lagi ka naman umaalis,” pasumbat na sabi niya.  “Hindi pa nga kita pwedeng isama sa labas. Kailangan natin umiwas. Paano kung may makakita sa atin. Ano ipapaliwanag natin. Let us just finish the case of Nemesis dahil iyon ang alam naman ng lahat. Hinahanap ka dahil iniisip na kinuha ka ni Nemesis.” “Nemesis, Nemesis! Puro na lang Nemesis! My supposed wedding was delayed because of him. Nakakainis na. Pati ba naman ngayon na magkasama tayo ay siya pa rin ang problema? Gusto ko na umamin tungkol sa atin. Gusto ko na ipagsigawan na magkasama tayo and I don’t need a f*cking marriage to be happy as long as you are here with me! Wala na ako pakialam sa sasabihin ng lahat, I want to be happy! Wala na ako pakialam kahit ka--” “Are you sure na wala ka na pakialam? Are you sure na kaya mo na harapin ang lahat?” Natahimik naman siya. Kaya na nga ba niya? Kaya na ba niya aminin na hindi talaga siya nawala at bagkus ay nagtatago lang kasama ang lalaking pinili niyang samahan. Alam niya na nag-aalala na ang mga magulang dahil kahit tawag ay hindi niya ginagawa. She was just agreed na magtago at hayaan isipin ng lahat na nawawala siya while she was just thinking na nagbabakasyon lang siya para hindi siya makonsensya sa katotohanan na marami nag-aalala para sa kaniya. Kaya na ba niya lumantad? Kaya na ba niya umamin na nakipag-sabwatan lang siya? Napailing siya. Tama ito. Hindi pa siya handang bumalik sa dati niyang buhay. Natatakot pa siyang harapin ang realidad. “Natahimik ka na...” sabi nito. Hindi pa rin siya umiimik. Patukod itong naupo sa harap niya. Napalunok naman siya habang nakatingin sa katawan nito at napatitig sa hugpungan ng tuwalya sa bewang nito.  “You know how ambiguous this relationship of ours is, right?” sabi nito na pumutol sa pagnanasang nagsisimula na naman mabuhay sa katawan niya.  “It wouldn’t be kung sana noon pa lang ay nilinaw mo na agad ang sitwasyon natin. Na sana hindi mo ako hinayaan na mag-isa. Hindi mo na sana hinayaan na pumagitna sa atin si N--” “Masyado busy ang lahat kay Nemesis. Ayoko naman makihanap sa kaniya sa totoo lang at sumusunod lang naman ako sa utos. Alam mo naman ang immediate supervisor namin at ako lang rin ang inaasahan para ma-trace ang Nemesis na iyon. Kilala mo naman siguro ang ugali ng boss namin, ‘di ba?.” “Yeah,” napaismid na sabi niya. She knows his immediate supervisor well. Kilalang-kilala niya ang ugali no’n. Sobrang workaholic at kahit mga mahal sa buhay ay kayang balewalain dahil sa tungkulin. Inis na napabuntong-hininga siya. Ayaw niya na pag-usapan pa ang boss nito. Natawa naman ito sa naging reaksyon niya. Obvious na obvious kasi ang sama ng loob niya sa boss nito. “Huwag mo na isipin iyon. Magkasama na tayo kaya maging masaya na lang tayo. Malapit na rin matapos ang problema kay Nemesis kaya siguradong malapit na rin tayong lumantad. Kailangan lang natin pag-isipan mabuti ang gagawin natin na pag-amin sa lahat.”  “Alam mo ay nakakainis na rin talaga ang ginagawa ni Nemesis,” nakanguso na sabi niya. “Ang boss mo na nababaliw maghanap sa kaniya na dahilan kaya hindi mo rin ako lagi masamahan dito. Dapat solohin niya na maghanap kay Nemesis. Nakakainis siya!” “Magiging okay din ang lahat. Lalantad tayo at matatanggap din ng lahat ang ginawa natin.” “Yeah…” tinatamad niyang sabi. Napabuntong-hiningang muli sa inis na pilit inaalis sa isip. ”Babe, you are wondering earlier kung bakit ako updated kay Nemesis... Paano ba naman ako hindi magiging updated sa killer na iyon ay puro siya na lang naman ang laman ng mga balita. Nagsasawa na nga ako manood sa mga news na puro biktima ni Nemesis ang ipinapakita. Nagiging urban legend na nga yata si Nemesis, he truly became infamous sa mga ginagawa niya and I truly admit na nag-aalala na rin ako para sa mga mahal ko.” “Mahal mo?” “Ugh…” inis na reaksyon niya. Kung makatanong naman kasi ito ay parang hindi alam ang sinasabi niya, “you know my situation. You know na may family ako. You know na may taong nasasaktan ako. And I really wanna know what happen to--” “Enough. Just focus on me. Habang tayo lang dalawa ang magkasama ay huwag mo na muna isipin ang iba, Mandy. Ako lang muna. Bawal ka mag-isip sa iba.” She saw the sudden change of his mood in his eyes. Masyado itong nagiging possessive habang tumatagal. Sa tuwing sinasabi niya na parang gusto niya na umuwi ay nagiging ganito ang sitwasyon nila.  She couldn’t let him feel that way. She couldn’t let him feel insecure. How she loved him and that was the reason why she chose to be with him, that she chose to elope with him at gamitin nila ang sitwasyon ni Nemesis.  ****** Quezon City Malungkot na tinitingnan ni Dra. Rebecca ang mga larawan ni Mandy at hindi na niya namalayan na nakalapit na pala ang asawa niya sa kaniya at kasalukuyan na nakatayo sa may likuran niya. Nagulat pa siya nang magsalita ito. “I remember that moment... Mandy was only five and she really loves skating. Inisip ko pa nga na mukhang iba yata ang namanang genes ng anak natin. Na baka maging figure skater siya imbes na doktor katulad natin.” “Nakakagulat ka naman at nandiyan ka na pala,” pabiro niyang sabi sa asawa at muling tiningnan ang larawan ni Mandy. “I missed her so much, Ed…” she said at hindi napigilan ang pagpiyok ng boses dahil sa pagpipigil maluha. “We do, we both do.” Malungkot na lumapit sa kaniya ang asawa at niyakap siya. Hinimas-himas pa nito ang kaniyang likod at naramdaman na rin niya ang pagluha nito.  “Do you think she was still alive?” tanong niya sa asawa. Tinitigan ito at inaarok ang saloobin ng puso nito.  “I am positive,” Ed said. “Sabi ni Neo ay napakinggan na nito ang recorded voice call from NTC. He said that the voice belongs to Mandy. I am positive that we will soon find her. Makakabalik siya sa atin. Gagawin ni Neo ang lahat para mahanap ang anak natin.” “Hindi mo ba naisip na baka sinadya niya umalis? Na baka sinadya niya iwan tayo, si Neo--” “Shhh…” putol ng asawa sa iba pa niyang sasabihin. “Kahit ano pa ang dahilan niya ay tatanggapin ko pa rin siya dahil anak ko siya. Anak natin siya. Si Neo lang ang iniisip ko. Alam kong nasasaktan siya isipin na maaring lumayo si Mandy sa kaniya dahil iniisip niya na hindi na ito masaya sa relasyon nila.” Napailing siya. Hanggang ngayon ay hindi niya matanggap ang anggulo na iniwan ni Mandy ang mapapangasawa para sumama sa iba. She never raised her precious daughter like that. Mandy was a prim and proper lady. Never ito na-involve sa kahit na anong issue lalo na kung tungkol sa lalaki. There was only Neo that she loves at naalala niya pa kung paano nito nahihiyang ipakilala noon ang nobyo sa kanilang mag-asawa.  Nag-uumpisa pa lang noon si Mandy sa pagri-resident doctor at inaya silang mag-asawa na mag-dinner sa restaurant malapit sa hospital kung saan ito nagseserbisyo. They were already there when Mandy hesitantly said na may gusto itong aminin sa kanila. She smiled with the  memory. Naalala kung paanong lumapit si Neo sa kanila na nahihiyang nagpakilala nang tawagin ito ni Mandy na nasa kabilang mesa lang pala at naghihintay lang ng go signal ng anak nila.  “Mandy loves Neo. Hindi ko pa rin maisip na iiwan niya si Neo dahil lang sa kulang ang panahon ni Neo sa kaniya. Hindi ganoon si Mandy, our daughter has never been a self-centered person,” sabi niya sa asawa. Ed agreed to her by nodding his head. Hindi rin nito matanggap ang ganoong anggulo. Napakabait ni Neo at lahat ng gusto ni Mandy ay nasusunod. Itong kasal lang na hindi natuloy ang naging dahilan para lagi magtalo ang dalawa pero ni minsan ay walang nagsabi na lumala ang pagtatalo nila. Neo always made his way para mawala ang tampo ng anak nila. At si Mandy ay hindi naman makitid ang utak, nagtatampo man ito ay agad rin inuunawa ang sitwasyon ng nobyo. Tama ang asawa sa sinabi nito. Mandy truly loves Neo. No one else aside from Neo.  ****** NBI, Taft Avenue, Manila Palabas na siya mula sa building ng NBI nang matanggap niya ang tawag from an unknown numbers. Nagtataka man kung sino ang tumatawag ay agad na rin niya itong sinagot. “Hello,” bungad niya.  “This is Alfred, Neo’s friend and doctor. I am calling in regards to Neo's health condition. Can we talk tomorrow?” “Doctor?” kunot-noong tanong niya, “may sakit ba si Neo?”
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม