Chapter 13 (Decision)

1881 คำ
Somewhere in NCR… Mandy was combing her hair at nakatitig sa sariling repleksyon sa salamin. She saw the marks on her neck and body. She grimaced. She looked like someone being abused sexually. She looked for some clothes in the closet at mabilis isinuot ang mga damit. Katatapos niya lang maligo. Maghapon siyang nakatulog. Nang umalis na ang lalaki ay buong araw siya nagpahinga. Gano'n naman siya halos araw-araw. Makakatulog lang siya ng maayos kapag mag-isa na lang siya. Muli siyang naupo sa kama at iniisip kung ano ang iluluto mamaya. Siguradong gagabihin na naman ang balik ng kasama. Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa pagbabalik nito. Natatakot siya na muli siyang abusuhin nito sa kama. Na baka maulit ang nangyari kanina. Hindi niya ang gusto ang gano'ng pagtrato. She remembered what happened to them earlier bago ito pumasok sa trabaho but she dismissed the thought immediately as she pictured herself with him in the bed. He banged her in a very rough way. Napalunok siya. There was something wrong. What happened to them wasn't love making. Hindi iyon love making katulad ng lagi nila ginagawa, ang naganap ay pagpaparaos lamang. They just f*cked. He just f*cked her. In fact, he f*cked her na parang isa siyang parausan. Mistulang ang lalaking minahal ay ginamit lang ang katawan niya para mailabas nito ang galit. Galit? Bakit may galit siyang nararamdaman sa bawat pagbaon nito ng sarili sa kaniya kanina? “Galit ka ba?” she asked. Nakatagilid pa rin siya na nakahiga habang nakatalikod dito. Iyon ang nasa isip niya kanina habang naglalabas-masok ang kahabaan nito sa p*gkababae niya. Habang nakakaramdam siya ng pamumwersa mula rito kanina. Nagtataka siya sa nangyaring pagtatalik. That was the first time na natakot siya rito maliban noong ginulat siya nito sa parking area noong gabing dinukot siya nito. Yes, she was really abducted but the truth is she was in love with him. Hindi na siya nakatiis at itinanong dito kung ano ang nasa isip. Na kung bakit para itong galit kanina. Sanay kasi siya sa laging mahaba ang foreplay nila at palaging hindi ito nagmamadali sa tuwing nagtatalik sila pero iba ang nangyari… parang gusto nito matapos agad ang kung ano man ang ginagawa. Nagmamadali kasi ito na parang wala ng bukas. As if he was just punishing her. "I just want to change style. Para may thrill naman minsan," sabi nito at bumangon na at sinimulan na ang muling pagbihis. Bumangon na rin siya para pumunta sa banyo. Nararamdaman niya na may gasgas ang p*gkababae niya. Napangiwi siya nang simulan niya ang paghugas sa bahaging iyon ng katawan. Ramdam na ramdam niya ang walang pakundangan na paggamit sa kaniya ng lalaking kinakasama kanina. Ang paulit-ukit nilang pagtatalik sa buong magdamag ay nakakaubos na talaga ng lakas niya pero ang marahas nitong ginawa ang nagpadoble sa kinasanayan na ng katawan niya. Nang matapos na siya maglinis ng sarili ay lumabas na siya sa banyo at naabutan niyang bihis na bihis na ito. Bigla siya nakaramdam ng lungkot. She missed her work. Naisip na sana ay hindi siya nagpadalos-dalos ng desisyon. Na sana ay hindi siya pumayag na umayon na lang sa gusto nito. Bigla niya naramdaman ang sundot ng konsensya. Siguradong sobrang pag-aalala na ang idinudulot niya sa mga mahal niya. Ang gusto lang naman niya ay panandaliang pagtakas pero hindi niya akalain na mag-e-enjoy siya sa ginagawang pagtatago at pagpapakasasa sa katawan ng lalaking sinamahan. Ang usapan nila una pa lang ay sasama siya rito para makalayo muna sila sa magulong sitwasyon nila, na gagamitin nilang dahilan si Nemesis para makatakas siya pansamantala. Pumayag naman siya dahil ayaw na rin niya umasa pa na matutuloy pa ang kasal niya. Kung ayaw ni Neo na maikasal sila ay mas lalong ayaw na niya. Lumapit siya sa kasama na kasalukuyang nagsusuot ng relo. Niyakap niya ito at malambing na nagsabi, "pag-usapan natin kung paano natin tatapusin ang ganito. Gusto ko na umuwi at siguro naman maunawaan din yan tayo ng lahat." Napabuntong-hininga ito. "Ayaw mo na ba ako makasama pa ng matagal-tagal dito sa paraiso natin?" tanong nito. "Nakakamiss na kasi ang lumabas." Naiinis na humiwalay siya sa pagkakayap dito at sinimulan ang pagbibihis. "Nakakagala ka naman sa bakuran. 'Di ba sabi mo ay masaya ka kasi para kang nasa bakasyon at walang umiistorbo sa iyo habang nandito ka." "Pero naiinip na rin talaga ako. Iniiwan mo rin naman kasi ako." "Bumabalik naman ako agad," sabi nito sabay yakap sa kaniya mula sa likuran. Sinamyo pa nito ang leeg niya. "Buong araw ka na naman wala. Tapos kapag babalik ka eh kadalasan tulog na ako." "Gustong-gusto mo naman mga sorpresa ko, 'di ba?" She rolled her eyes. Ang sinasabi nitong sorpresa ay magigising na lang siya na nakapatong ito sa kaniya at kadalasan pa ay nagigising na lang siya sa inaakalang masarap na panaginip. "You brought me here para masolo mo ako pero ikaw hindi ko naman masolo." Nakalabi niyang sabi. "May tinatapos lang ako na gawain para sa susunod ay wala na iistorbo sa atin. Para sa sunod ay makahingi na ako ng bakasyon sa boss ko." "Namimiss ko na sina mommy at daddy. Namimiss ko na rin ang mga kaibigan ko. Parang gusto ko na umu--" "Hindi pwede. Dito ka lang muna." "Kahit phone ayaw mo ako pagamitin." "Sabi ko naman sa'yo na ako na muna bahala sa lahat. Iniiwas lang kita sa gulo na pwede mangyari." "Normal lang na magkagulo dahil pinili ko sumama sa iyo. Pero hindi naman pwede na tayong dalawa lang. May mga nagmamahal sa akin na dapat kong isipin." "Namimiss mo na ba ang dati mong buhay? Ayaw mo na ba ng ganito? Baka naman ang namimiss mo ay si--" "Masaya ako basta magkasama tayo pero naiisip ko pa rin na sana pormal akong nagpaalam. Na sana inayos ko muna ang lahat at hindi ganito na para akong nawala na parang bula." "Kung pormal ka nagpaalam ay papayagan ka ba? Sa palagay mo ay madali nilang tatanggapin na ayaw mo na ang magpakasal? Sa palagay mo ba ay matatanggap nila ang ginagawa natin ngayon kung pormal kang nagpaalam?" Hindi na siya umimik at tumango na lang sa mga sinabi nito. Totoo naman. Siguradong hindi siya mauunawaan ng mga taong mahal niya. Siguradong mahuhusgahan siya. Siguradong sasama ang loob ng mga magulang sa kaniya. ****** NBI Office "Another item for Neo." Lumalapit na sabi ni Hanz habang dala ang isang parcel. Neo's eyes turned sharper habang tinitignan ang papalapit na si Hanz. Kanina niya pa napapansin ang ibang mga tingin nito. Ganoon rin si Tyrone. Parang may mga tumatakbo sa isip ng mga ito na gusto niya malaman. Sa tuwing tinitingnan siya ng mga ito ay parang may alam ang mga ito na itinatago sa kaniya. Nang iwan ni Hanz ang parcel ay lumapit naman ang iba sa kaniya. Siguradong excited na buksan niya ang padala. She checked the sender's name. Amy Nem. Again. He opened the parcel and it was not the usual box full of confetti. Ang nakita niya ay isang long brown envelope na nakatupi. He checked what's inside the envelope and he saw some words na ginupit mula sa mga magazines at may mga letra rin na ipinadala sa kaniya. Inis na ikinalat niya ang laman sa isang bakanteng mesa. Nakayuko siya at tinititigan ang mga salita at letra na nakakalat nang maramdaman niya na naman ang pagsakit ng ulo. Bumalik siya sa mesa niya at kinuha roon ang body bag na lagi niyang dala. Doon niya kasi inilalagay ang baril niya at ang lagayan ng gamot para sa sakita sa ulo. Kumuha siya ng hindi binibilang na dami ng tabletas at agad na isinubo at sabay-sabay na nilunok kasabay ng tubig. Naupo muna siya saglit sa swivel chair at nang maramdaman na umeepekto na kahit papaano ang gamot ay muli niyang tiningnan ang mga kasama. Nakatingin naman silang lahat sa kaniya. Binalewala niya ang nakikitang pagtatanong sa mga mata ng mga kasama. Hindi niya masabi na may sakit siya. Hindi siya pwedeng mahalata na may dinaramdam siya. "What are you trying to tell me, Nemesis?" he said. He tried decoding the information when he felt another pain in his head. Tinawag niya si Tyrone at binilinan na ito muna ang bahala sa mga nakakalat na salita at letra mula kay Nemesis. Gusto niya muna itulog ang nararamdamang kirot sa loob ng utak niya. ****** Thirteen years ago… "Nay! Tay! Nandito po ako." Masayang niyang tinawag ang mga magulang na nakita niya na palinga-linga at hinahanap siya. "Anak!" Natutuwag mabilis na lumapit ang mga magulang sa kaniya. "Mabuti po at nakarating na rin kayo agad. Maya-maya ay magsisimula na po ang graduation namin. Sino po ang sasama sa akin sa pag-martsa ko mamaya?" "Sino ba ang gusto mo sa amin makasama?" Nakangiti na tanong ng Nanay Sara niya. "Kung pwede nga po na kayong dalawa eh mas gusto ko po 'yon sana," nakangiti niya ring sabi. "Ang tatay mo na lang at masakit rin ang tuhod ko ngayon, anak." "Ako na lang, Dong. Kanina pa nagrereklamo sa akin 'yang nanay mo. Sabi ko nga ay huwag na sumama pero makulit at hindi raw papayag na hindi ka makita tumanggap ng diploma," natatawang sabi ng tatay niya. "Ikaw ngayon ang magmartsa, Yong. Ako naman sa graduation nitong si Dong sa college," sabi ni Sara sa asawa. "Sana hindi na masakit ang tuhod mo kapag nangyari iyon." Pangangantiyaw ni Mateo sa asawa. "Kahit masakit ay pipilitin ko," natatawa naman na sabi ni Sara, "basta para sa anak natin." Masaya silang tatlo na patuloy na nag-uusap. Nasa mukha ng dalawang matanda ang kaligayahan para sa anak-anakan. Nasa mukha niya ang pasasalamat sa pagmamahal na nagmumula sa mga ito. ****** Pauwi na silang tatlo at masayang naglalakad hanggang sa nakarating na sila sa maliit nilang dampa. Agad siyang pumasok sa loob ng kwarto ng mga magulang at doon nagbihis. Tapos na siya makapagpalit ng damit pambahay at agad na lumabas para magpaningas. Siguradong pagod at gutom na ang kaniyang mga magulang kaya magluluto na siya. Naalala niya kanina ang masayang kuwentuhan ng mga kaklase. Nagyayabangan ang mga ito kung saan ang diretso ng mga ito pagkatapos ng graduation. Kaniya-kaniya pa silang pag-iimbita sa kaniya dahil hindi lingid sa kaalaman ng mga ito na mahirap lang ang mga magulang niya. Tinanggihan naman niya ng maayos ang imbitasyon ng mga kaklase at kaibigan. Mas importante sa kaniya ang makasama ang mga magulang. Ipagluluto na lamang niya ang mga ito dahil masaya siyang pagsilbihan ang mga taong tunay na nagmahal sa kaniya. Na inako siya at hindi pinabayaan kagaya ng ginawa ng tunay niyang mga kadugo. "Ano ginagawa mo, Dong?" Napalingon siya sa ama nang marinig ang boses nito. Nakangiti naman itong nakatayo sa likuran niya katabi ang kaniyang ina at isang lalaki na mukhang may mas magandang buhay kaysa sa kanila base sa suot nito. "Siya ang anak namin na sinasabi ko sa iyo, Leandro." Kausap ng Tatay Mateo niya ang lalaking bisita nila. "Congratulations, Dong! Nandito ako para makisaya sa inyo. Nabalitaan ko ang graduation mo kaya ako napunta rito." Naguguluhan siyang napatingin sa mga magulang na nakangiti sa kaniya. "Siya na ang tutulong sa pag-aaral mo sa kolehiyo, anak. Sa kaniya ka na titira habang nag-aaral ka."
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม