Mabilis silang nakarating sa bundok Hilaya nang matapos silang ihatid nina Lutano at Sona. Hindi alam ni Wave at Asula pasasalamatan ang dalawa sa pagtulong ng mga ito. Kung hindi dahil sa dalawa ay hindi silang tatlo makakarating sa paroroonan. Nagpa-iwan ang dalawa sa gubat at sila lamang ang nagpatuloy. Naintindihan naman iyon ni Wave dahil delikado na ang makaapak sa bundok Hilaya. Isa pa ay may masamang nakaraan si Lutano at si Lupa, baka hindi mapigilan at iyon pa ang magiging dahilan ng pagka-udlot ng misyon. Maraming mga nangyari sa kanilang paglalakbay. Ngunit ang lahat ay naging mahalaga naman dahil nalampasan nila iyon. Alam ni Wave na marami pang nakaabang na mga pagsubok, pero ang hiling niya ay malampasan ang lahat ng iyon kasama si Asula at Evan. Nakatanaw sila sa malawa

