** AKALA lang ni Asula ay magigising siya sa katotohanan o mula sa isang masamang panaginip. Pero nang magising siya kinaumagahan, nasa loob na niya ng silid ang batang lalaki at pinagmamasdan siya nang maigi. Magkasalubong ang dalawang kilay nito habang magka-cross ang dalawang braso sa harapan. Seryosong-seryoso na nakatingin sa kanya. Sa pagmulat ng kanyang mga mata ay ganoon na lamang ang pagsigaw niya nang pagkalakas-lakas at ang paglundag sa kamang kanyang kinahihigaan. Pakiramdam ni Asula ay nanaginip pa rin siya at tumakas ang katinuan sa kanyang isip nang mga oras na iyon. Hindi naman niya aakalain na totoo pala ang mga nangyari kagabi. Akala niya ay nanaginip lamang siya, iyon pala ay hindi. “Ang tanghali mo nang nagising. Hidni ka na nakababa kagabi sa iyong silid. Nakatulog

