Hindi kami nagpapansinan ni Sir Zack simula nang nangyari kagabi.Alas singko pa lang ng umaga gumising na ako at umuwi muna sa bahay. Naglinis muna ako at naglaba,kabuwanan na ni Ate Jane at Kailangan ko rin labhan ang mga gamit ng kanyang mga baby.Pagkatapos ko maglinis at paglalaba,namitas naman ako ng mga gulayin para mamaya ipagluluto ko si Ate ng Gulay. Mag alas diyes na ako bumalik sa kabilang bahay at nakaligo na rin ako para pagdating sa bahay ni ate Jane gagayak na lang ako magluto. Pagpasok ko nakita ko sila ate Bea at ate Jenny.Lagi rin naman napunta dito ang dalawang pulis. "Hello po ate Bea ,ate Jenny"-bati ko sa kanila,may kasama silang napaka guwapong lalaki,as in sobrang guwapo niya,napatulala tuloy ako dahil kinindatan nito ako. "Kara meet our Friend,Geo"-nakangiti na

