CHAPTER 3

1913 คำ
CHAPTER 3:MEET AGAIN QUINNA AMERA NANDEZO’s POV “SUSUNDUIN mo na ang mga apo ko, anak?” tanong sa akin ni Papa at tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. Nag-uusap kami over the phone. “Yes po, Papa. I’m already here na nga po, eh,” sabi ko, pinark ko sa gilid ang kotse ko at siya namang pag-andar ng itim na ban na iyon. Bumaba na ako agad para hanapin sila sa loob. Alam ko naman na naghihintay na sila sa akin at hindi sila aalis agad kung wala ng signal ko. Habang naglalakad naman ako ay may bata agad ang sumalubong sa akin. “BOO!” biglang sigaw ng maliit na boses mula sa likuran ko at hinawakan pa ako nito sa baywang ko at pinulupot niya rin ang mga maliliit na binti niya sa paa ko. Napabuntong-hininga na lamang ako, mabuti na lang ay sanay na sanay na ako sa panggugulat ng anak ko. “Jacky Merre,” sambit ko sa pangalan niya. “I really hate when someone call me by my name and worst sobrang bad ng second name ko po, Mom. Gross!” reklamo niya at bumitaw na sa akin. “My son, the gross is a bad word,” sabi ko at lumevel sa kanya. Niyakap naman niya ako and I hug him back. “Miss me, Mommy?” nakangiting tanong niya sa akin. “Yes, of course. I miss my stubborn and ang pinakamakulit na anak ko,” nakangiting sagot ko. “Aigoo... Pss, and I missed you too po, Mommy ko,” malambing na sabi niya at hinalikan ang pisngi ko. Napangiti ako sa ginawa niya at binuhat ko na siya pero napangiwi ako. “Wew! Ang bigat na ng baby ko,” natatawang sabi ko. Bumungisngis lang siya at tuwang-tuwa pa talaga siya. “Where’s your ate and kuya?” tanong ko. “There, Mom!” sabay turo niya sa kinaroroonan nina Jecky. Naglakad ako palapit sa kanila. Nakaupo ang panganay kong si Jecky Merro habang nagbabasa na naman siya ng libro niya, si Jecky ay seryosong bata, tahimik at minsan lang kasi iyan magsalita at mailap sa mga tao. Matalino at suplado. Si Quinne Zerra naman ang pangalawang anak ko, naka-earphones na naman siya? I’m sure na nakikinig ito ng music. She know I hate music so much, kaya pinagbabawalan ko siyang bumili ng mga CD at album ng favorite singer niya. Si Quinne ay iyakin talaga siya. Kung ano ang gusto niyang mga bagay ay dapat maibibigay mo sa kanya agad pero madali naman siyang magsawa. Si Quinne ay madali rin siyang magselos kung kayakap ko ang dalawang kapatid niya. Nagtatampo kung minsan at hindi mo basta-basta mahahawakan iyan. Sensitive ang nag-iisang anak kong babae. Gugulatin mo lang o kukubitin ay iiyak siya agad. Pero mabait at sweet naman siya. Si Jacky Merre naman ang bunso ko, pasaway, makulit, energetic, at minsan sakit sa ulo. Makikita mo na lang siya na may bata na siyang paiiyakin. Kung matanda naman ay babatukan, aasarin at papaluin ng mga bagay na hawak niya. Hindi naman siya nananakit ng pisikal. Basta isang katok lang at maraming aasarin okay na siya. He loves dog and cat pero ayokong mag-alaga siya no’n kaya hindi ko siya binilhan ng pets. Iyong last time kasi ay hinagisan niya ng pusa ang Ate Quinne niya kaya iyak naman nang iyak ang kapatid niya. Si Jecky lang naman ang inaasar niya na hindi siya pinapansin. Kasi kung papatulan siya ng kuya niya ay tatawa lang siya at mas lalo pa siyang mang-aasar sa kapatid. Suplado minsan mabait pero sweet naman. At si Jacky ang mas binabantayan ko hindi dahil sa pasaway siya kundi basta gusto ko lang na siya ang mas bantayan ko dahil bunsong anak ko siya. “Hey, guys! Mommy’s here!” sigaw naman ng anak kong si Jacky. Lumingon sa amin si Jecky. Ngumiti siya sa akin nang makita ako. Bihira lang po ang anak kong ngumiti, sa amin lang siya ganyan. I smiled at him back at kasabay na kumikirot na naman ang parte ng puso ko. Ang ngiti niya ay may nagpapaalala sa akin sa isang tao na pilit ko namang kinakalimutan at binabaon sa limot but it’s useless. Dahil sa mga anak ko pa lang ay naaalala ko na siya. “Si Mommy?!” gulat na sigaw ng nag-iisa kong anak na babae. Natatarantang itinago naman ni Quinne ang iPhones niya at earphones. Isa sa mga pinagbawal ko ang magkaroon sila ng cellphone, masyado pa silang bata pero si Quinne siya, eh. Kung ano ang gusto niya ay siyang masusunod. “H-Hello po, Mommy!” sigaw niya at lumapit sa amin. “`My! Pakarga rin po ako!” sigaw niya sabay taas ng dalawang kamay niya at tumalon-talon pa siya para mabuhat ko na nga siya. “Shu, Ate Quinne! You’re so old na para magpakarga pa kay Mommy! Ako naman po ang bunso, ’di ba?!” pang-aasar ni Jacky sa ate niya at wala pang ilang segundo ay umiyak na si Quinne. “Mommy ko!” naiiyak na tawag niya sa akin. Namumula agad ang kilay at mata niya. “Masyado kang harsh, son. Huwag mong aawayin si Ate Quinne mo,” pangangaral ko sa kanya at lumuhod na ako para maibaba ko na siya pero hindi siya bumitaw sa akin. “Jacky, anak. Baba ka muna,” sabi ko pero mas hinigpitan pa niya lalo ang pagkakayakap niya sa leeg ko. “Don’t want po, Mommy,” aniya. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga, na siyang pagkasimangot naman ni Jecky. Ayaw nito ang bumubuntong-hininga ako. “Jacky, bitaw na,” utos niya sa kapatid. “Don’t want na nga po,” ulit nito sa sinabi niya kanina. “Come on, brother! Go get down here!” sigaw ni Jecky. “Okay, give me a piggy back ride!” pagsuko niya at kasabay na pumunta siya sa likod ng kapatid at nagpakarga. “Jacky, baba ka na nga!” sigaw niya sa kapatid at pinalo-palo pa niya ang braso nito sa leeg niya. “Jacky!” sigaw ni Jecky. “Mommy ko...” malambing na tawag sa akin ni Quinne. Nilapitan ko naman siya at kinarga. “Miss your Mommy, honey?” I asked her at tumango-tango naman siya. Hinalikan ko ang sentido niya. “Tama na ’yan, sons. Let’s go, umuwi na tayo,” sabi ko at tumayo naman ang apat na babysitter nila at limang bodyguards na kinuha ko para sa kanilang tatlo. Nagbakasyon kasi sila kina Grandma sa States, hindi nga lang ako kasama but next time ay sasama na ako. Isang linggo rin nila nawala, eh. Na-miss ko sila ng sobra. “Mom, ang kulit po ni Jacky Merre!” naiinis na sigaw ni Jecky. Dahil sa narinig na tinawag ng kuya niya sa kanya ay napasimangot siya. “I hate you na talaga, Kuya!” sigaw niya at lumapit na siya sa amin. Hinila nito ang doctor’s robe ko. Yeah, galing ako sa hospital at ayaw ni Quinne kung hindi ako ang susundo sa kanila kaya hindi na rin ako nakapagpalit pa. “Tanda!” pang-aasar na naman niya sa kapatid niya kaya umiyak na naman si Quinna. “Jacky, please... Stop na, anak ko,” sabi ko. “What, Mommy? Do you want something?” Hindi takot sa akin si Jacky kaya minsan wala akong nagagawa kung ano man ang pinaggagawa niya. Hindi ko naman siya pinapagalitan, eh. Hindi ako ganoong klaseng ina na palaging pinapagalitan ang mga anak nila. Ibinaba ko na si Quinne at hindi naman siya nagreklamo pa. Hinawakan ko ang kamay ni Jacky kasi alam kong tatakbo na naman siya. “Look, sila ’yong nasa billboard, right?” “Yeah, ang gaganda at guwapo nila, ah?” “Gandang lahi.” Kanya-kanya silang papuri sa amin pero hindi ko na binigyan pa ng pansin. Sanay na ako, sanay na kami sa compliment except kay Jacky. “Nye, nyeh! Look, sila ang nasa billboard right? Blaa, blee blaa.” Hayst itong anak ko naman, eh... RAIZER JACK SANCHEZ’s POV “Manager, daan muna tayo sa restaurant gutom na ako,” suhestiyon ni Milley. “Pss, patay gutom,” bulong ni Mazeke. “Pss, 9:15 pa kaya?” ani Milley. “Sige na sige na sa restaurant na tayo,” sabi ni Manager Ramiel Jick Sanchez. He’s my brother, two years lang ang age gap namin. Hindi na siya manager actually, kasi isa na siyang architect pero nasanay na ang mga kaibigan kong tawagin siyang manager, eh. Huminto sa isang restaurant ang sinasakyan naming van at isa-isa na kaming bumaba. Fantasy restaurant “Tara na sa loob,” pag-aaya sa amin ni Kuya Ram. Naghanap kami ng bakanteng upuan at nang makaupo na nga kami ay sina Kuya at Jersyn na lang ang um-order ng breakfast. Yeah, breakfast iyon dahil hindi naman kami kumain noong nasa airplane kanina, eh. QUINNA AMERA’s POV “`My! I’m hungry na po!” sigaw ni Quinne at ang kapatid niyang si Jacky ay binato siya ng maliit na teddy bear. “Jacky!” tawag ni Quinne sa kanya. “Hala naman! Huwag mo akong sigawan, nakagugulat ka naman po, Ate Quinne!” reklamo ni Jacky, hindi na talaga magkakasundo ang dalawang iyan. “`My.” Tumingin sa akin si Quinne na may luha na sa mga mata niya. “Don’t cry baby. Kakain na tayo sa resto. Dadaan tayo ro’n, okay?” sabi ko. Hinarap ko naman ang mga kasama nila. “You can go now. Ako na lang ang bahala sa mga anak ko,” sabi ko at tumango naman sila. “Pakidala na lang po ang mga bagahe nila. Sa parking lot ay binuksan ko lang ang isang pintuan sa car ko. ”Sakay na, Jacky,” ani ko. “Thanks po, Mommy,” pasasalamat niya na ikinangiti ko. “No worries, son,” sabi ko at isinuot ko sa kanya ang seatbelt niya. Hinaplos ko pa ang pisngi niya. “Thank you for taking care of them, son,” I said and kissed his cheek. “Hmm, sutil po ang bunso natin, Mommy,” nakangusong sabi niya. “That’s okay. Jecky.” Lumipat ako sa kabila at inalalayan ko naman si Jecky. “Behave ka na, please anak ko.” “Sige na nga po,” nakangusong sabi niya. Hinalikan ko lang ang nguso niya at napabungisngis siya. Sa tabi ko naman uupo si Quinne na nanahimik na. “Ready, loves?” I asked them at sabay-sabay silang sumagot sa akin ng yes. Habang nagmamaneho ay patingin-tingin ako sa paligid kung may malapit na resto ba rito at mayroon nga. “Ako muna ang bababa,” paalala ko sa kanilang tatlo. Nang makababa na silang tatlo ay si Jacky agad sana ang hahawakan ko nang bigla na lamang siyang tumakbo papasok. “Jacky!” sigaw ko sa pangalan niya. “Jacky, ay!” sigaw rin ni Jecky. Hinawakan ko na ang kamay ng mga anak ko at hinila na sila papasok sa loob ng resto. Hinanap ko si Jacky at nakita kong nakaupo na siya agad. Napapailing na lumapit na lang kami sa side niya. “Whoa! What a coincidence again, froglets!” sigaw ni Jacky at nakatingin sa limang lalaki na kumakain. “Jacky naman---” napahinto ako nang mahagip ng mga mata ko iyong lalaki at kasabay na pumintig ang puso ko. ”Raizer...” mahinang sambit ko sa pangalan ng lalaking iyon.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม