Chapter 22: Unexpected visitors “MAY SINABI ba ako kanina na aalis ka?” malamig na tanong ko sa kanya at nagawa kong hampasin ang dibdib niya. Frustrated lang ako dahil siya ang aalis pagkatapos niyang pigilan ako kanina na sumama sa best friend ko? “Quinna...” “Pagkatapos mong magmakaawa kanina sa kaibigan ko tapos aalis ka rin pala? Ayaw mong sumama ako kanina kay Pearls dahil ang sabi mo ay ikaw ang mag-aalaga sa akin?” Hinuli na niya ang kamay kong nananakit sa kanya at pumulupot agad ang braso niya sa baywang ko saka niya ako hinapit palapit sa katawan niya. “I’m sorry...” sambit niya at hinalikan ang noo ko. Napapikit ako nang dumidilim na naman ang paningin ko at ramdam na ramdam ko rin ang panghihina ng katawan ko. “Q-Quinna... Quinna...” Pinipilit ko naman ang sarili ko na hu

