TIAGO Nakatapos kami ng lunch. Nagpahinga lang saglit sa restaurant bago magdesisyong umuwi na. Hinatid muna namin sa boarding house si Kyle bago ko huling inihatid si Jimelyn sa dorm niya. Itinigil ko ang kotse sa parking area. "Nabusog ka ba?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya saka ngumiti sa akin. "Oo naman. Naparami nga ako nang kain." Simple ang ganda ng girlfriend ko; masayahin siya, mabait at maunawain. Hinawi ko ang buhok niyang pula ang kulay. Bagay sa kaniya ang kulay na 'yon, lalong nagpatingkad ng pagiging bubbly niya. Marahan kong inilapit ang mukha ko sa kaniya saka masuyong hinalikan ang mga labi niya. Ibinuka niya bibig niya saka tinanggap ang halik ko.

