Tumayo na ko saka iniwan si Ara habang mukhang nangangarap. Sana nga, sana si Tiago na ang para sa kaniya. Minsan lang naman humanga at magka-interest si Ara sa lalaki kaya sana hindi na siya mabigo ngayon. Pumasok na ako sa banyo para maligo at mag-ayos ng sarili ko. Kailangan kong magbabad para makalimutan ang lahat ng problema at iniisip ko. Natutuwa rin ako na narito si Ara at si Julian para mawala ang pangamba ko. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ***ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nagmumuni-muni ako habang nakahiga sa kama. Iniisip ang mga nangyari ng mga nagdaang buwan. Maayos ang buhay ko noon, tahimik. Walang ibang iniisip kung hindi ang magtrabaho at mag-ipon para mak

