Third Person's Point of View Hinila ng mga katrabaho ni Clarisse si Julian patungo sa gitna para ayain itong sumayaw. Nag-alangan siya pero kailangan niyang makisama para hindi makahalata ang iba sa totoong pagkatao niya. Kailangan niyang mabantayan at maprotektahan si Clarisse mula sa stalker nito. Napilitan siyang ngumiti habang bahagyang iginagalaw ang katawan, pero ang mga mata niya ay nakapako sa direksyon ng cottage nina Clarisse. Masyado na siyang natatagalan sa pagbabanyo nito. Hindi pa rin lumalabas ang dalaga sa silid, at napansin niya sa bintana na naka-off na ang ilaw. Nalala niyang bahagyang lumiwanag ang mga siwang ng bintanang kahoy nang pumasok si Clarisse doon. Kinutuban siya dahil doon. Nawala ang pekeng ngiti sa mukha niya at sumeryoso. "I'm sorry, Leslie. I need to c

