11: The End

2450 คำ
“Some things must end. No buts or what ifs, they just end.”    *** It was already late when Lianna woke up. She feels a little disoriented. Nangyari ba talaga ‘yon kagabi? She's already wearing the lingerie she wore last night. Tumayo siya at nagtungo sa banyo. Biglang umikot ang paningin niya. She immediately ran to the bathroom. Doon na siya tuluyang naduwal. Nabuntis ba siya agad ni Vaughn? Charot! Haha! Iniligo na lamang niya ang nararamdamang hangover. She swears hindi na siya ulit iinom ng ganoon karami. Pero sa kabila ng hangover, napakagaan ng pakiramdam niya. Somehow, there is hope that last night marks the start of something better.   Napatigil siya sa pagbaba ng hagdan nang makita ang suitcase ni Vaughn sa sala. Nandoon na ulit ang ate at mga pamangkin niya. “Ang aga mong nagising ah!” tudyo ng ate niya nang makita siya. Napailing na lamang siya at tuluyang bumaba ng sala. Nakita niya mula sa nakabukas na bintana ang isang sports car. She's sure, it is Vaughn's car. Is he going back to Manila? After what happened last night? Was is just a mistake for him? Tinungo niya ang maindoor at tinanaw ang sasakyan. Umibis mula rito ang driver ni Vaughn. Ito ang sumusundo sa mga bata sa tuwing pinapapunta ni Vaughn ang mga bata sa opisina nito. “Good morning, Ma'am Lianna,” bati nito bago tinungo ang kinalalagyan ng suitcase at binuhat na ito papunta sa kotse. Biglang sumikip ang dibdib niya. So, she was right. Vaughn is really going back to Manila.   “Take care, daddy!” It was Vanna Lei's voice. Nakita niyang palabas ng komedor ang mag-aama. Vaughn hugged the kids. Nagpaalam din ito sa ate niya. She remained at the doorway…static… Akala niya ay magiging okay na sila after last night. Now, he is going away like he wants to escape from the situation. Gumaganti ba ito sa ginawa niya dati? Bigla na lang din ba itong mang-iiwan? Vaughn stepped towards the door. Nagbaba siya ng paningin. Pakiramdam niya at maluluha siya. She saw a pair of feet stood in front of her. She knew it was Vaughn, amoy na amoy niya ang pamilyar na samyo ng pabango nito. She felt nervous when Vaughn held her shoulders. Dahan-dahan niyang tiningala ito. He is staring at her. Hindi niya maarok ang damdamin sa likod ng mga titig nito. She momentarily held her breath when she felt his lips on her forehead. “I’ll fetch you and the kids after a week.” She wasn’t able to answer. Nagpapaalam ba ito sa kanya? “Be good, Lianna.” He whispered on her ear before releasing her shoulder and moved away.   It took her a moment bago nakahuma sa pagkabigla. Nakalabas na ang sasakyan ni Vaughn. “Uy, umalis lang ang asawa mo, tulala ka na diyan!” Biro ng ate niya. Natatawa naman siyang pinuntahan ang dalawang anak. She is happy that Vaughn approached her bago ito umalis. She thought he’ll just go away like what she did before. Hindi naman pala… Baka kailangan lang nitong asikasuhin ang mga businesses niya.   * Kahit malimit ipasyal ni Lianna sa buong bayan nila ang mga bata ay bored na bored pa rin siya. Hindi naman kasi tumatawag man lang sa kanya ang asawa niya. He would often talk to their kids pero hindi naman nito sinasabi sa mga bata na pati siya ay kakausapin. May binigay kasi itong phone sa mga bata. He even exchange messages to them na nababasa niya kapag pinapakialaman niya ang cellphone ng mga ito. They are too young to have cellular phones kaya madalas ay kinukuha niya para hindi sila masyadong attach sa gadgets sa murang edad. Minsan naman kapag may pinupuntahan sila, naririnig pa niyang kausap ni Manong Rad ang asawa niya. Nasasaktan siya dahil akala niya ay okay na sila pero parang wala pa rin itong pakialam sa kanya.   Two days from now ay susunduin na sila ni Vaughn pabalik ng Manila kaya napagdesisyonan ulit nila ng ate niya na magpicnic kasama ang mga bata. Mainit din kasi ang panahon. They went to Vitalis Villas in Santiago, Ilocos Sur. It is a newly-built resort that resembles like Santorini, Greece. They even call it Santorini of Asia. Ipinagmamalaki nito ang iba’t-ibang white villa’s na nakatayo sa isang maliit na bundok at sa baba noon ay ang kulay asul na dagat. There is an infinity pool sa baba ng mga villas at puwede ring bumaba ng dagat kung gustong doon maligo. The white color of the surroundings plus the blue waters sends a certain feeling of peace. They had to rent a villa for the day para lang ma-avail ang mga amenities sa loob. They made reservation the other night and they are about to pay when the cashier told them that the payment was already wired yesterday. “Sinong nagbayad, miss?” nagtatakang tanong ng ate niya. “Mrs. Lianna Henson-Filan po” the girl replied. “Ikaw naman daw ang nagbayad?” baling sa kanya ng ate niya. Siya naman ang naguluhan. She didn’t pay for it. Napailing siya. The girl tilted the monitor para ipakita ang account number at pangalan ng bangko. It was the atm debit card Vaughn gave to her before. May pondo pa pala ito? She instantly knew, it was Vaughn who wired it. “Si Vaughn siguro ang nag-wire transfer.” Tugon na lang niya. The kids immediately went to the pool after few picture taking inside the villa. Ang ganda-ganda naman kasi ng loob nito. It’s pure white. Mayroon pa itong terrace overlooking the ocean and other villas. She’s wearing a two-piece bikini inside her lacy knee-length black top. Iniisip pa niya kung makikisali rin siya sa pagligo. She’s still savouring the delicious fruitshake na inorder niya. Nakaupo siya sa isang umbrella cottage. After finishing her shake, she finally decided to join the rest in the pool. Tinanggal niya ang nakapatong na lacy top at akmang lulusong na nang may marinig siyang nagsalita mula sa likuran niya. “Hey, Lianna!” She looked back ang saw a familiar face. It’s Dan. Anak ng mayor nila noong sa town hall pa siya nagta-trabaho. She’s not sure if he is still the mayor up to now. “Long time no see,” saad nito habang palapit. She felt a little awkward dahil naka-two piece lang siya. Ang lalaki naman ay naka-shorts lang. “Oo nga eh,” yun lang ang tanging naisagot niya. The guy used to court her before na hindi naman niya sinagot. Though he is a good-looking man, he isn’t just her type. “Balita ko may asawa at mga anak ka na,” saad nito. He was smiling. “Yeah, those are my kids. They are twins,” turo niya sa mga anak na nagsu-swimming. “Foreigner pala ang type mo,” natatawa namang sagot nito. Ngumiti na lang siya. “Where is your husband?” tanong nito nang hindi siya magsalita. “Nasa Manila. He’s tending his business.” “Oh, I see.” There was a moment of silence before they heard someone squealed. “Is that Lianna?! Oh my god!” Pareho silang napalingon sa nagsalita. It was Shanley. Pinsan ni Dan na naging kaklase niya noong high school bago ito pumunta ng amerika. Kasama din nito ang tatlo pa nilang mga pinsan na pamilyar din sa kanya dahil nagpupunta rin naman siya noon sa bahay ng mayor nila sa tuwing may okasyon kaya’t kilala rin siya ng mga ito. They said their hi’s and hello’s at inaya siya sa umbrella cottage ng mga ito. She looked at her sister tumango naman ito para sabihing okay lang. They also greeted her sister. “Ang ganda-ganda mo pa rin girl kahit nanganak ka na.” saad ng isa sa kanila. Kilala niya rin ito. Natawa na lang siya. They are also in bikinis kaya hindi na siya nahiya sa suot niya. “At wala kang visible stretchmarks ha. Di tulad sa akin,” saad naman ng isa at ipinakita ang tiyan nito. They all laughed. They continued chatting kahit noong matapos silang mag-swimming at mag-lunch time na ay magkakasama sila. Her sister and the kids joined them. May mga kasama din kasing mga bata ang mga ito at kilala rin sila ng ate niya. Well, her sister is a principal. Lahat yata ng taga-doon sa bayan nila ay kilala nito. After lunch, tumambay sila sa viewing deck kasama pa rin ang mga bata na nakikipaglaro na sa isa’t-isa. Nagkayayaan silang mag-jetski. Since, hindi siya marunong magjetski, they urged her to join Dan in one jetski. Ayaw niya pero hindi siya nakatanggi nang kantiyawan siya ng mga ito na binasted na nga niya noon pati ba naman ngayon ayaw pa sniyang maging kaibigan ito. Wala din naman sigurong masama. It was a different experience for her. Todo hawak siya sa bewang ng lalaki dahil baka mahulog siya. Her heart still raced pagkababa niya. Pinuntahan na lamang niya ang mga anak para i-check kung okay lang ang mga ito para pakalmahin ang sarili. She saw Manong Rad talking over the phone sa di kalayuan pero hindi na lang niya ito pinansin. They continued sight-seeing. Nakaupo sila sa view deck. May mga tables at chairs kasi doon na puwedeng upuan ang mga guests. Kaharap niya sa mesa ang dalawang anak at yung pamangkin niya na junior high school. Her sister and her husband with their two other kids are on the adjacent table. Nasa katabing table naman nito ang hipag at mga anak nito. Her brother is on-duty at the hospital kaya hindi nakasama. Sa kabilang table kung saan sila nakaupo ay sina Dan naman at mga pinsan nito. Apat sila doon at sa isa pang table ay yung isa pang pinsan nito kasama ang asawa’t anak. They wanted to see if the sunset is really magnificent at the villas. It’s just 5PM. They ordered finger foods and fruit shakes para may pinagkakaabalahan habang nakaupo. Nabulabog sila nang may paparating na chopper sa kinaroroonan ng Villa. Umikot ito na parang naghahanap kung saan puwedeng lumapag. They thought it was a VIP guest. Lianna felt a little nervous when she saw the cursive letters on the chopper’s body. It’s V.F. It’s the same calligraphy at Vaughn’s building lobby. Then the roaring stopped. “Lumapag siguro sa kabilang side ng Villa, bakante kasi yung lupang iyon,” she heard someone say from Dan’s table. Ewan niya kung bakit pakiramdam niya ay si Vaughn ang sakay ng chopper pero hindi na lamang siya nagsalita. Malinaw naman kasi ang sinabi nito sa mga bata na susunduin sila nito after two days. It’s too early. Nagpalinga-linga siya para tingnan kung nasaan si Manong Rad pero hindi niya ito mahanap. Mas lalo tuloy siyang nagduda. Her suspicion was proven when she saw Vaughn and Manong Rad approaching. Naka-formal suit pa ito. His tie is a bit loosened and his hair are disheveled. Kahit nakakunot ang noo nito ay guwapo pa rin. She even heard Shanley gasped and say, “Who’s that handsome guy?” “Daddy!!!” her children squealed. Tumayo ang mga ito at mabilis na tumakbo sa ama nila. Vaughn’s expression softened. Pero bumalik ulit ang talim ng titig nito nang papalapit na sa kinaroroonan niya. She doesn’t understand why she feels nervous. Napansin niyang tumingin ito sa katabing mesa bago ulit siya tinitigan. Napatingin pa siya sa kabilang mesa. Did he look at Shanley who’s smiling and looking sexy? “Hi!” She stood up and smiled nervously. Ayaw niyang makahalata ang mga nasa kabilang table na hindi sila okay ng asawa niya. Vaughn kissed her on the forehead and whispered. “I told you to be good, Lianna.” Napakunot-noo siya pero bago pa siya nakahuma ay humalik na ito sa labi niya. It was a quick kiss. “You are still the same stubborn you, Lianna.” Bago pa siya makapag-react ay umalis na ito sa harapan niya at may ibinulong sa ate niya na tumango lang at ngumiti. Sumunod naman sa kuya niya na tumango rin at naguguluhang tumingin sa kanya. Vaughn went back to her. “If he won’t stop staring at you. I’ll take out his eyeballs and cut his balls,” bulong nito sa kanya. His voice is menacing. Bahagya ulit itong sumulyap sa kabilang table bago tumalikod akay ang mga bata. Nilagpasan nito si Manong Rad na nakatayo lang. She was left dumbfounded. Ano daw? “Lianna, tara na.” tawag sa kanya ni Manong Rad bago tumalikod at sumunod kay Vaughn. Naguguluhan man ay sumunod na lamang siya. Umakyat sila patungong entrance ng Resort. Tahimik lang siyang nakasunod dito. Vaughn’s back is no longer visible. Paikot kasi ang hagdanan papunta sa taas kung nasaan ang main entrance at kalsada. She was right. Si Vaughn nga ang lulan ng chopper. Nasa bakanteng espasyo ito malapit sa Villa. Nakita niyang inaayos nito ang upuan ng mga bata sa loob ng chopper at nilagyan ng mga headphones ang mga ito. After he was done, he stood at the chopper’s entrance at nakatingin sa kanya. He looked mad, disappointed, upset. She is not sure. Dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan nito. She doesn’t understand why he suddenly appeared with that face. Ano bang ikinagagalit nito? He will take out whose eyeballs? At ano kaya ang sinabi nito sa mga kapatid niya?  Hindi man lang pala siya nagpaalam sa mga ito bago siya sumunod rito. Nang makalapit siya ay binuksan nito ang cockpit area. Naka-close na pala ang kinalalagyan ng mga bata. Glass pala ang pintuan. Akala niya ay normal na chopper lang na naka-open ang sides. Vaughn went to the other side of the chopper at umupo sa puwesto na dapat ay para sa piloto. “I will take the kids with me. Sabihin mo kung gusto mong maiwan,” saad nito nang hindi siya umakyat sa nakabukas na pinto. She went inside feeling agitated. Nasa loob ang mga anak niya. Alangan namang hindi siya sasama? Mamamatay muna siya bago mailayo sa kanya ang kambal. Vaughn put on her seatbelt bago nito inayos ang sariling seatbelt. He put his headset on at may kinausap sa radyo. Is Vaughn really maneuvering the helicopter? What the hell?
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม